Advertisers

Advertisers

3 pulis nambugbog ng kabaro kinasuhan

0 15

Advertisers

SINAMPAHAN ng kasong paglabag sa Anti-Hazing Law ng Philippine National Police–Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang tatlong pulis na miyembro ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) na sangkot sa pambubogbog sa kapwa pulis sa Angadanam, Isabela noong May 24, 2024.

Ayon Brigadier General Warren De Leon, PNP-IMEG, naisampa na ang kaso sa Provincial Prosecutor Office ng Isabela laban sa 3 pulis.

Sinabi ni De Leon na gumugulong narin ang pre-charge investigation laban sa naturang mga pulis sa kaso namang administratibo.



Aniya, ang 3 nasabing pulis ay nananatili sa Personnel Holding and Accounting Unit sa Camp Adduru sa Police Regional Office 2 nang sibakin sa puwesto habang patuloy ang imbestigasyon.

Magugunita na nagharap ng reklamo ang kamag-anak ng biktima si Patrolman Jeremy Matthew Padilla na nakatalaga sa 205th Maneuver Company ng Regional Force Battlion 2 na dumanas ng hazing sa initiation rite May 24, 2024



Mariin namang pinabulanan ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB-2) na mayroon nangyaring hazing sa mga baguhang miyembro ng pulis.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">