Advertisers
INANUNSYO ng National Golf Association of the Philippines (NGAP) Martes sina Filipino golfers Bianca Pagdanganan at Dottie Ardina ay kwalipikado para sa Paris Olympics.
“Bianca Pagdanganan and Dottie Ardina are the final additions to the Philippine contingent for the Paris Olympics,” Nakasulat sa Facebook page ng NGAP Martes.
Nakapasok sina Pagdanganan at Ardina sa Paris matapos manatili sa top 60 ng women’s Olympic rankings na nagtapos noong Hunyo 24.
Pagdanganan, 26, ay nalagay sa 35th para muling makapasok sa Olympic qualification sa ikalawang magkasunod na taon habang si Ardina,30,nagtapos 55th para sa kanyang Olympic debut sa Paris.
Ito ang pangalawang Olympic qualification ni Ardina, bagamat nakapasok sa Rio Olympics sa 2016 hindi siya nakapaglaro dahil sa Zika viruz threat.