Advertisers

Advertisers

2 sekyu tinaga, niratrat-patay sa outpost

0 7

Advertisers

Nasawi ang dalawang security guard nang pagtatagain at pagbabarilin ng mga ‘di kilalang salarin habang naka-duty at nagbabantay sa isang outpost sa Rodriguez, Rizal, nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Emilio Sala­ber, 26, security guard ng Power China, residente ng San Mateo, Rizal; at Lui­sito Doroteo, ng Brgy. Calawis, Antipolo City.

Sa ulat ng Rodriguez Municipal Police, 7:21 ng umaga nang madiskubre ang mga bangkay ng mga biktima sa Red Bank outpost, na matatagpuan sa Sitio Inigan, Brgy. San Rafael, Rodriguez.



Nauna rito, dumating umano ang testigong itinago sa pangalang “Boy” sa lugar dahil magdu-duty na siya sa Red Bank outpost at papalitan sana ang mga biktima sa pagbabantay sa naturang lugar.

Tinangka umano niyang tawagin ang dala­wa ngunit kapwa hindi sumasagot.



Dito na umano niya binuksan ang pinto ng outpost upang gisingin sana ang mga biktima nguni’t laking pagkagulantang niya nang bumulaga sa kanya ang mga bangkay ng dalawang kasamahan.

Kaagad na itinawag ng naturang guwardya sa kanilang super­visor ang pagkakadis­kubre nito sa bangkay ng dala­wang biktima upang mai-report sa pulisya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">