Advertisers
AGARAN ang ginawang kahilingan ni 2nd District, Surigao del Norte Representative Robert Ace S. Barbers kay PAGCOR Chairman Alejandro Tengco na ibigay ang buong listahan ng mga lehitimong Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na nabigyan ng lisensya at accreditation ng regulatory agency sa bansa.
Kasabay nito, hiniling din ng mambabatas kay Tengco ang kooperasyon nito sa Kongreso na isapubliko ang lahat ng mga POGO na nag-o-operate sa Pilipinas.
Ginawa ni Barbers ang hakbang kasunod ng naging pahayag ni Tengco kaugnay ng ginawang pag-lobby at gamitin ng dating miyembro ng gabinete ang kanyang impluwensya para sa pagkakaroon ng lisensya ang operasyon ng mga POGO ng nakalipas na administrasyon.
“POGOs, whether licensed, legitimate or illegal are nothing but fronts for criminal activities. Ranging from money laundering, drug trafficking, human trafficking, protecting criminal syndicates engaged in murders, kidnapping, torture, rape and up to engaging in POGO politics, name it and surely it is all there. POGO is the one stop shop of criminal activities,” ani Barbers.
“If we continue to allow their operations, we will all be consumed by its corrupt and criminal system until it becomes the accepted norm and our society becomes worthless. POGOs are a curse that have to be taken out from our system,” dagdag pa ng mambabatas.
Nagbabala rin ang mambabatas dahil sa mabilis na aniya ang tema sa kasalukuyan kungsaan ang mga nasyonalidad mula sa mga bansang ASIA tulad ng Vietnamese, Malaysians at Indonesians ay dumadagsa na sa Pilipinas bilang kapalit ng mga Chinese na nagtatrabaho sa nasabing mga POGO.
Diin pa ni Barbers, madali para sa asiano na makapasok sa bansa kahit pa ang mga ito ay walang visa buhat sa Bureau of Immigration (BID) kung binalaan niya ang ahensya na maghigpit sa pagbibigay ng visa at huwag magpasilaw sa suhol o lagay.
“We have seen the unabated influx of Chinese who were given student and retirees visas by the Bureau of Immigration and the Philippine Retirement Authority. We are not done yet with our investigations so I am warning these agencies not to extend working visas to these new arrivals who are being used to replace Chinese employees in the POGOs,” saad ni Rep. Barbers. (Henry Padilla)