Advertisers

Advertisers

SMUGGLING, ‘BURIKI’ HAMON KINA USEC. CRUZ AT NBI DIR. SANTIAGO!

0 2,052

Advertisers

Ni CRIS IBON

NAGPAKITA ng suporta ang samahan ng Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB) mula sa Region 4-A sa aktibong pagtatrabaho ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) at National Bureau of Investigation (NBI), at hiniling na lansagin ang multi-bilyon pisong smuggling, “buriki” at colorum van operation ng isang “Dondon Alahas” at mag-among PNP Colonel at pekeng “Sgt. Buloy” sa Batangas at iba pang katulad ng mga itong ilegalista sa CALABARZON, Region 3 at National Capital Region.

Sinabi ng grupo na hindi nagkamali si Pangulong “Bongbong” Marcos sa pagtatalaga kay Major General Gilbert Cruz bilang PAOCTF Chief, at ang dating Manila’s Finest sharp shooter at retired Tagaytay City Regional Trial Court Judge Jaime Santiago bilang hepe ng NBI .



Ang pangalan ni Cruz ay nasa rurok ngayon ng kasikatan sa radyo, telebisyon, dyaryo at maging social media dahil sa pag-raid nila sa mga iligal na Philippine Offshore Gaming Operation (POGO); ganon din si Santiago dahil sa kaliwa’t-kanang accomplishments na may kinalaman sa cybercrimes.

Hiling ng MKKB kina Cruz at Santiago, palawakin pa ang kanilang laban sa lahat ng uri ng kriminalidad, lalo na sa organized crime group. Inilunsad ng kasalukuyang administrasyon sa pangunguna ni Pangulong Marcos ang pagbabago tungo sa tahimik at maunlad na “Bagong Pilipinas” ilang buwan pa lamang ang nakaraan.



Sinabi ng naturang anti-crime and vice-crusader na isama ng dalawang magigiting na government officials na isa sa prayoridad ang paglaban sa oil at petroleum smuggling at pilferage na kilalang buriki, paihi o patulo, sapagkat bilyong buwis ang nawawala sa gobyerno sa ‘di masugpo-sugpong “smuggling at oil and petroleum thievery” sa bansa.

Itinuro ng nasabing crusader group ang CALABARZON bilang kuta o sentro ng puslitan ng mga imported na krudo, gasolina, bukod pa sa pagnanakaw, operasyon ng patulo at smuggling ng sindikato sa Batangas, Limay, Bataan at mga bayan sa Bulacan at sa Region 3.



SMUGGLING NI
DONDON ALAHAS
SI Dondon Alahas ay isa sa siyam na big time petroleum smugglers na tinukoy ni Senador Raffy Tulfo nang magpatawag ito ng Senate inquiry ng nakaraang taon kaugnay sa lantarang oil t petroleum smuggling sa Region 3 at CALABARZON partikular sa Batangas at Sariaya, Quezon kungsaan umiikot ang bentahan ng smuggled na produktong petrolyo mula sa pantalan ng Batangas City.

Ayon sa monitoring ng MKKB, lingguhan ang dating ng barko o barges na may kargang petroleum products mula sa Malaysia at China sa Batangas City Pier. Mula rito, matapos ang “ayusan” sa dapat na aregluhin sa Bureau of Customs (BOC) at ilan pang opisina sa loob ng Batangas City Pier ay hinahakot nina Dondon Alahas ang smuggled petro products sa kanyang kuta sa Barangay Aguila, sa loteng nasa likod lamang ng bahay ni Chairman Felix Gutierrez, sa bayan ni San Jose Mayor Bien Patron.

Ang ibang kantidad ng puslit na petroleum product ay ipinadidiliber ni Dondon Alahas sa kanyang mga buyer na may-ari ng gasolinahan hindi lamang sa R4-A at Metro Manila kundi maging sa iba’t ibang probinsya sa Region 1 gaya ng Ilocos provinces at Region 2 tulad ng lalawigan ng Cagayan, Isabela, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Quirino, at Region 3 bukod pa ito sa mga suki niya sa paihi at patulo.

Hindi lamang si Dondon Alahas ang may negosyong oil smuggling at buriki sa Batangas na dapat ay silipin. Kailangang alamin din nina Usec. Cruz at Dir. Santiago kung sino-sino ang police officials at iba pang opisyales ng gobyerno na protektor at tumatanggap ng pinakamababang P200k lingguhang “payola” mula kay Dondon Alahas para sa malaya nitong smuggling operation sa Batangas City Pier at Sariaya, Quezon, at pagmamantine ng burikian sa Brgy. Aguila.

PAIHI NI KERNEL AT BULOY
Tulad nina Usec Cruz at Dir. Santiago, sinabi ng MKKB na hinahangaan nila ang liderato ni Philippine National Police Chief, General Rommel Francisco Marbil, dahil ang kanyang bagong pamunuan ay nagtatrabaho, umaaksyon sa sumbong at reklamo ng katiwalian, lalo’t ang sangkot ay mga pulis.

Ngunit ayon sa MKKB, tila napapaikutan siya ng isang police colonel na nangbabalahura sa imahe ng Pambansang Pulisya dahil sa negosyo nitong paihi at buriki kasama ang Sgt. Buloy na ang mga imbakan ng nakaw na gasolina at krudo ay nasa mismong gate ng Batangas City Pier.

Bukod sa lote na pag-aari ng Chinese mestizo na si Tan sa entrance ng Batangas City Pier, may imbakan din ng smuggled petro product si Buloy sa likod mismo ng kanilang bahay sa Brgy. Sta Clara.

Ang nakaw na petro product ng mag-partner na Duterte Die Hard Supporter (DDS) na colonel at pekeng Sgt. Buloy ay galing sa malalaking trucking firm na ang mga driver ay naging suki na nila at lantarang nagpapaihi ng nakaw na gasolina at krudo pagkatapos ay hinahaluan ng Methanol upang ‘di mahalata ng kanilang mga employer na nabawasan na ang kargamento ng libo-libong litro.

Ang petroleum product na nahaluan ng methanol ay nakakasira ng makina ng mga behikulo at sasakyang pandagat, ayon sa MKKB.

Ang colonel at Buloy tandem din ang nagpapatakbo ng biyahe ng higit sa 500 colorum van sa Batangas City Pier gamit na illegal terminal ang parking area ng naturang pier malapit lamang sa tanggapan ni BOC District Collector Atty. Ma. Rhea Gregorio.

Naniningil ang mag-among Kernel at Sgt. Buloy ng P800 “butaw” sa bawat biyahe ng colorum van driver na kung susumahin sa dalawang biyahe kada araw ay umaabot sa milyong piso ang halaga.

Ang “butaw” ay intelhencia para kina alyas “Randy Playboy” na nagpapakilalang bagman ng R4-A Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), PNP-CHPG at iba pang PNP units upang maging pulido at huwag mabulabog ang biyahe ng mga colorum van.

Higit sa 5,000 colurom van sa CALABARZON ang lingguhang nakokotongan din ng butaw nina Randy Playboy at ng grupo nina alyas Maklang, Wano, alyas Sgt. Adlawan at ibang “kapustahan”.

Ultimo pangalan ng tanggapan nina Gen. Marbil, at Batangas PNP director Colonel Malinao ay ipinangongolekta ni Sgt. Adlawan, dagdag pa ang buwanang P1.5m na nakikikil ni Randy Playboy mula sa mga colorum van operators para naman sa tanggapan ng R4-A LTO at LTFRB.