Advertisers

Advertisers

Miembro ng gun for hire todas sa engkuwentro

0 23

Advertisers

NASAWI sa naganap na armed encounter ang isang notoryus na suspek na sangkot sa mga serye ng patayan at iba’t-ibang mga kaso nang manlaban sa mga pulis ng Special Weapons and Tactics (SWAT) at Station Special Operating Unit o (SSOU)ng Bacoor Component City Police Station na nagsagawa ng follow up operation laban sa suspe sa Soldiers Hill, Barangay Molino 6 sa Lungsod ng Bacoor Cavite, nitong Huwebes ng gabi, July 4, 2024

 

Ayon sa report ni Cavite Police Provincial Director Police Colonel Eleuterio Ricardo kay Calabarzon PRO 4A Regional Director Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, kinilala ang napatay sa pangalang “Jhunel” alyas “Egoy”, nasa hustong gulang.

 



Sa ulat, nagsumbong sa istasyon ng pulisya ang isang babaeng complainant na si Jovelyn De Luna na tinutokan ng baril ng suspek kaya’t agad rumesponde ang mga pulis at pinuntahan ang bahay ng suspek na naunang magpaputok ng dalang baril kaya’t napilitan naman gumanti ng putok ang mga otoridad matapos ang palitan ng putok nakitang nakahandusay ang katawan na wala ng buhay na suspek.

 

Napag-alaman din ng mga pulis na sangkot ang napatay na suspek sa mga kasong 4 counts of Murder, shooting incident, Alarm Scandal, Attempted Murder at kasong may kinalaman sa iligal na droga.(Koi Laura)
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">