Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MAGKAISA aa tugon at paniniwala sina Cong. Richard Gomez at Eric Quizon para sa pagsuporta sa nominasyon ng Star For All Seasons na si Vilma Santos-Recto bilang National Artist.
Nagkakaisa sina Goma at Eric na karapat dapat na mapabilang si Ate Vi sa pagiging National Artist.
Sa anim na dekada na nga raw ni Ate Vi ay may ‘K’ na itong maging National Artist.
Sey pa ng dalawang actor na suportado nila ang nominasyon ni Ate Vi bilang National Artist bukod sa suporta ng president ng samahan ng ActorPH na si Dingdong Dantes at Piolo Pascual.
Ani pa nina Goma at Eric na ang criteria sa pagiging National Artist ay pasok daw si Ate Vi at napakalaki nga raw ng naiambag nito sa showbiz industry.
Pagpapatunay pa ng 2 actor na deserved ng mahusay na aktres ang nasabing parangal.
***
SA bagong OOTD ni Xian Lim nung umaten ito ng premiere ng kanyang pelikula na dinirek, ang Kuman Thong kasama ang gf na si Iris Lee, naka- black leather jacket si Xian with black skirt or palda.
Napataas ang kilay ng mga netizen nang nakita si Xian kaya tanong nila kung ano raw ba ang ipinaglalaban ni Xian sa kanyang awrahan.
Wala naman daw at gusto lang nito ng bago sa kanyang OOTD.
Ang suot ni Xian ay common na sa Myanmar, Burma, at iba pang bansa sa UK.
After nga makita ang kasuotan ni Xian ay inulan na ito ng batikos at sinabing kung kailan pa raw tumanda ay saka pa ito nagpatuli.