Advertisers

Advertisers

3 ismagler ng yosi timbog sa Laguna

0 16

Advertisers

DINAKIP ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong suspek sa smuggling ng sigarilyo sa Santa Rosa, Laguna.

Kinilala ang isa sa mga suspek na si Gilberto Ramos, tserman ng Barangay Anyatam, San Ildefonso, Bulacan.

Nagsagawa ng entrapment operation ang NBI Laguna District Office sa Barangay Tagapo, Santa Rosa, na humantong sa pagkakaaresto sa mga suspek at pagkakasamsam ng 1,000 rims ng sigarilyo na nagkakahalaga ng P600,000.



Narekober din ng mga otoridad ang entrapment money, isang kalibre .40 na pistola, 2 magazine ng kalibre .40, at 20 bala ng kalibre .40.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa National Internal Revenue Code. (Jocelyn Domenden)