Advertisers

Advertisers

Titser ‘namatay sa sarap’ sa lodging house

0 22

Advertisers

BANGKAY na nang matagpuan ang isang lalaking guro sa loob ng isang lodging house sa lungsod ng Koronadal.
Kinilala ang guro na si Ebrahim Mangulamas, 32 anyos, ng Barangay Barurao, Sultan sa Barongis, Maguindanao del Sur, at nagtuturo sa Datu Mamalo Memorial National High School sa nasabing bayan.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, huling nakitang pumasok ang guro sa isang silid kasama ang hindi pa nakikilalang babae 11:30 ng umaga.
Pagsapit ng 6:40 ng gabi, napansin ng caretaker na hindi pa ito lumalabas o tumutugon, dahilan upang buksan ang kwarto, at natagpuan itong wala nang buhay.
Napag-alaman na nakaalis na ang babaeng kasama ng guro bago pa ito madiskubre, at patuloy itong hinahanap ng mga awtoridad para sa paglilinaw sa insidente.
Sa paunang pagsusuri ng forensic team, walang nakitang malinaw na indikasyon ng pisikal na pananakit o karahasan sa katawan ng biktima. Isa sa mga tinitingnang anggulo ang posibilidad na dulot ng natural na sanhi o karamdaman ito.