Advertisers
Noong Aug. 1, 2024, ay nagpahayag ang mga Konsehal ng Maynila ng kanilang mga saloobin tungkol sa pagkatanggal ng kanilang mga komite kalakip ng pag alis nila sa mayorya at paglipat sa minorya.
Ipinaglaban ni Konsehala Ibay na dahil sa Republic Act 11768 ay mananatili siyang Chairperson ng Committee on Youth Welfare and Sports Development, at inilaban niya rin na dahil sa RA 11768 o mas kilala bilang “SK Reform Act of 2015” ay dapat magkaroon ng reorganization at maging regular member siya ng Committee on Education, Environment, Employment and Livelihood, Health and Anti-Drug Abuse, at Gender and Development. Sinangayunan naman ito ng Bise Alkalde at sinabi na hangga’t naririyan ang batas na iyan ay “pasok” ang kanyang mga ipinaglaban.
Ito ay nararapat lamang sapagkat mas mataas ang mga Republic Act sa kahit na anong mga ordinansa o resolusyon na isinasagawa ng Konseho ng Maynila. Kahanga-hanga rin na ginamit ni Konsehal Juliana Ibay ang batas na ito upang ipaglaban ang kanyang komite para hindi maapektuhan ang kanyang paglilingkod sa mga kabataan.