Advertisers
Ni Rommel Placente
BONGGA si Vice Ganda. Inspirasyon talaga siya ng maraming kabataan. Katulad na lang nitong isang netizen, nang maka-graduate siya kamakailan, inialay niya ang kanyang college diploma sa Phenomenal Box-Office Star.
Ayon sa X user na si @c0wl0ss, si Vice ang naging inspirasyon niya sa pagtupad sa kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang kinabukasan.
Ipinost ng naturang netizen sa social media ng kanyang graduation photo kung saan mababasa ang pangalang “Torcelino Carlos Inigo D” na may logo ng University of the Philippines Diliman.
Mababasa rito na nagtapos ang estudyante ng Magna Cum Laude para sa kursong Bachelor of Arts in Political Science.
Ang mensaheng nakalagay sa naturang post ay, “Meme Vice Ganda. Di mo man makita itong tweet ko pero tinuruan mo ang beki na ito na pwedeng mangarap nang matayog at abutin ito sa kabila nang kalupitan ng lipunan. Mahal na mahal kita.”
Nakarating naman ang message ng netizen sa TV host-comedian at ibinandera ang kanyang kaligayahan para sa pagtatapos ni Torcelino with honors.
“CONGRATULATIONS!!! Ipinagbubunyi kita!!!! Ang buti ng iyong puso, husay ng kaisipan at tapang ng ung katauhan ang baunin mo sa napakagandang bukas na nag-aantay sayo.
“Naniniwala ako sa’yo Anak kong Baklang Magna Cum Laude,” proud na proud na mensahe ni Vice sa kanyang supporter.
***
SA interview ni MJ Felipe kay Ivana Alawi, nagbigay na ng pahayag ang dalaga tungkol sa mga naglabasang chika na kaya pinatay ang character niya sa FPJ’s Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin ay dahil uma-attitude na raw siya sa taping.
“It’s something that I’ll treasure for a long time ‘cause this is the first project na parang lumabas ako sa shell ko and I got to do a lot of things which is action, may comedy kami, merong romance and you get to do that all in one project and of course, with that ‘yung tulong ni Direk Coco Martin,” sabi ni Ivana.
Dagdag chika pa ni Ivana tungkol kay Coco.
“He was very hands-on at talagang inalagaan niya ko from day one and I’m very thankful also to the whole cast. The whole cast, the whole team, ‘yung production sobrang babait nila.”
Ayon pa kay Ivana, tatlong buwan lang sana ang itatagal niya sa Batang Quiapo pero tumagal siya rito.
“Unang-una, tumawag sa akin si Tita Cory (Vidanes), sila Direk Coco sabi nila may project, itong ‘Batang Quiapo.’
“This was during the time nu’ng kinasal si Lovi (Poe). So sabi ko, ‘Okay po, how long?’ kasi hindi ko kayang matagal ‘cause I have other work. I have my vlog, I have other commitments also abroad.
“Sabi ko ‘how long?’ ‘Tapos sinabi 3 months. ‘Okay, sige 3 months. I’ll do it,’ sabi ko. Okay kasi ganu’n ako, eh. Kapag papasok ako sa isang trabaho gusto ko ibibigay ko lahat. Hindi ‘yung after one month pagod na ako. Hindi eh. So, 3 months taping okay,” kuwento ni Ivana.
Hindi niya raw namalayan na na-extend na pala siya nang na-extend.
“Magwa-1 year na! So nag-click siya. So nag-catch up lahat ng commitments ko. As in nahuhuli na ako so, nagpaalam ako nang maayos sabi ko hindi na talaga kaya.”
Pagpapatuloy pa niya, “Minahal ko talaga ‘yung character kong si Bubbles, so nagpaalam ako. So walang nangyaring tinanggal ako or something like that. That’s not true.”