Advertisers
Ni Beth Gelena
TATLONG buwan na ang nakakaraan nang napabalitang isinugod sa hospital si Senador Chiz Escudero.
Hindi pa siya ang Senate President that time.
Kumalat sa online ang balita, pero ang lahat ay pinabulaanan ng kampo ng senador.
The reason behind the emergency was not disclosed but he is okay now and was even assigned to be senate president.
May rumors na kumakalat na na-heart attack ang pulitiko at may nagsasabing na-stroke ito umano.
Balita pa ngang nilipad siya mula Sorsogon papuntang St. Luke’s Hospital.
Guest ni Kuya Boy Abunda ang misis ni Senate President Escudero sa Fast Talk With Boy Abunda, kamakailan.
Sa panayam ng King of Talk, nakumusta ng TV host ang kalagayan ng senador.
“How is your husband now?”
“He is super good.”
Pero, inamin niyang may episode pa sa kanya ang health scare, which served as their wake-up call about how important health is.
“And now he’s doing very, very good, everything perfect—and I make sure perfect,” wika ni Heart.
Hindi naman na niya ipinaalam kung ano ang specific reason ng “scary episode” na kanyang binabanggit.
Just like the previous talks about her husband’s health, she gets emotional in this recent one. She rather die first than suffer the loss of her husband.
Very vocal pa niyang sinabi, that she can’t really take it if something happens to her husband. In this cruel and mean world, she would not know what to do without him as he is his everything.
Samantala, muling nag-renew ng kontrata si Heart sa GMA-7.
Ito raw ang kanyang biggest contract at grateful daw siya sa opportunity na binibigay ng Kapuso Network sa kanya.
***
RR IRITA SA MGA TAONG MAHILIG MAGFLEX NG YAMAN SA SOCMED
IBINAHAGI ni RR Enriquez ang kanyang opinyon hinggil sa pag-flex ng yaman sa socmed.
Para kay RR, nakaka-inspire raw ang makakita ng mga post ng mga bagay na nabili ng mga celebrity o ordinaryong tao.
“Ang nakakairita is yung alam mo na nagyayabang lang,” aniya sa kanyang Instagram Page.
Para sa kanya, nakaka-inspire ang makakita ng mga post ng mga celebrity o ordinaryong tao na ipinapakita ang mga bagay na nabili nila, tulad ng mga bag, sapatos, relo, kotse, at bahay.
Lalo raw siyang nai-inspire sa mga taong galing sa hirap na yumaman, maging ang mga taong mayaman na lalong yumaman.
Pahayag pa ng aktres/dancer, “sa halip na mainggit, dapat gawin itong inspirasyon para magsikap sa buhay.”
Sinabi rin niya na nakakairita ang mga taong alam mong nagyayabang lang. Ibinigay niya bilang halimbawa ang mga taong mahilig mag-post ng halaga ng kanilang mga binibili, tulad ng amount ng grab food o grocery shopping, na para bang unang beses pa lamang nilang makapag-order o makapag-grocery.
Dagdag pa ni RR, may mga tao rin na pinopost ang kanilang bill sa mga restaurant at ipinagmamalaki pa ang halaga ng kanilang binayaran. Wala naman daw masama sa pag-flex, nararamdaman din naman kasi kung nagyayabang na lang kasi ang isang tao. Binigyang-diin din ni Enriquez na kung talagang nais magyabang ng isang tao, dapat handa rin silang tawaging mayabang at hindi mayaman.