Advertisers

Advertisers

Karen nag-sorry sa pagbalewala sa SB19

0 10

Advertisers

Ni Archie Liao

SA kanyang X social media account, nag-apologize si Karen Davila sa sinabi niya sa ulat sa TV Patrol na ang BINI ang magbubukas ng daan para makilala ang Pinoy pop internationally na inalmahan ng SB19 fans.

Kinorek niya ang sinabi at binigyan ng acknowledgment ang SB19 sa naging achievement nito.



Tweet niya: “SB19 first opened the doors for PPOP internationally and made history! BINI is carving their own – being the first all girl group to hit it big.

“I should’ve been more specific. SB19 & BINI, you make us all proud! And may you both open more doors for aspiring local artists ??”



Both are Proudly Filipino ????”

Umani naman ng iba’t ibang reaksyon ang kanyang pagtutuwid sa X.



Ito ang ilan sa mga komento ng netizens.

“Thank you for apologizing ms karen. Apologizing is not a petty thing??

“Not that it matters to me, anyway. The two groups should be lauded not because they are Filipino, but because they are their hardworking selves, stacking up failure after failure in order to build up success after success.”

“you didn’t say anything wrong ma’am it’s their fault na hindi nila maintindihan ung pinopoint nyo, hindi po nila pinanood ung full na balita kaya siguro na misinterpret nila. Both groups are deserving naman na makilala internationally.”

“Ayan ha, mga Otin, pinansin at binigyan na kayo ng mileage ni Karen Davila. Naway masaya at manahimik na kayo.”

“Yes! No to fan wars… di matutuwa idols nyo nyan…”

***

Aiko di naligtas ang inanod na sasakyan ng anak
SA kanyang Meta account, nagpahayag si Aiko Melendez ng hindi makalilimutang karanasan sa paghagupit ng bagyong Carina sa kalakhang Maynila at iba pang panig ng Pilipinas.

Aniya, inanod daw ng baha ang sasakyan ng kanyang anak na si Andrei Yllana.

Gayunpaman, tinangka niya raw i-rescue ang kotse subalit wala silang nagawa.

Nagpapasalamat pa rin ang aktres at public servant dahil sa kabila ng lahat ay ligtas silang mag-anak sa sakuna.

Hindi rin daw naging hadlang ang baha para hindi niya maipagpatuloy ang kanyang serbisyo publiko sa pagtugon sa mga pangangailangan ng kanyang constituents sa panahon ng kalamidad.

Ito ang teksto ng kanyang emote sa Meta.

“Lahat po tayo ay nahaharap muli sa isang matinding pagsubok. Hindi po kayo nagiisa. Wala sa antas ng pamumuhay ang pagsubok. Kaninang umaga po pinilit po namen habulin ang inaanod na kotse ng aking anak na si Andre Yllana subalit wala din po kaming nagawa kundi ang magdasal. Materyal na bagay lang ang sasakyan. Ang mahalaga ngayon ay walang masaktan at nasasaktan. Kalahati sa aking team natrap po sa kanilang mga bahay ubos ang gamit. Kaya po iilan lang po kami ang makakaikot upang maghatid ng tulong. Hindi po kami panghihinaan ng loob dahil tao muna bago ko harapin ang sariling problema po.

“Yan ang mga bagay na pinagbago ng aking buhay na ako ay isang public servant gusto man akapin ang anak sa lungkot nya sa kanyang sinapit meron akong mas malaking obligasyon sa aking distrito. Nakahanda na po ang aking team hindi man kumpleto pero buo ang loob sa pagtulong! Makakayanan po naten ito ????”

Umani naman ng suporta ang aktres sa kanyang pinagdaanan.

Marami rin ang nagdasal para sa kaligtasan niya at ng kanyang pamilya.