Advertisers
Bumaba sa walong porsiyento ang budget for travels ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa susunod na taon.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, nasa P1.054 billion ang travel expenses ng Office of the President (OP) para sa 2025, mababa ito kumpara nuong nakaraang taon na nasa P1.148 billion allocations sa 2024 General Appropriations Act.
Bumaba ng P94 million ang travel expenses ni Pang. Marcos para sa 2025.
Sinabi ni Pangandaman ang dahilan ng pagbaba sa travel expenses ng Pangulong Marcos ay dahil nabawasan ang kaniyang biyahe domestic at maging sa international.
Kung maalala naging kontrobersiyal ang pagbiyahe ng Pangulo sa abroad dahil sa malaking pondo ang inilaan para sa kaniyang biyahe.
Depensa ng Palasyo sa naging biyahe ng Presidente ay dahil kailangang ibenta ang bansa sa mga foreign investors para mamuhunan sa Pilipinas upang makamit ang target na maging investment destination ang bansa.
Siniguro naman ni Pangandaman na hindi makaka-apekto sa economic goal ng Pilipinas ang binawasang biyahe ng Pangulo.
Binigyang-diin ng kalihim na kailangan pa rin bumiyahe sa abroad para i follow-up ang mga napirmahang kasunduan at memorandum of understanding sa mga banyagang kumpanya na may planong maglagak ng negosyo sa bansa.
Bakit kailangang dumipensa nitong si Pangandaman kung tama naman at nasa ayos ang mga travel abroad ni PBBM?
Kasi alam ng Kalihim ng DBM na puwede pang mabawasan ang nasabing maluhong travel expenses ng Pangulo na umaabot nga ng mahigit 1 bilyong- piso kada taon kung lilimitahan lang ang bilang delegasyon nito.
Wag isama sa delegasyon ng Pangulong Marcos Jr. ang kanyang esposa,mga anak,si Speaker Martin Romualdez at napakaraming asong sipsip nito sa Kongreso,mga Malacanang reporters,mga amigo,amiga ng first couple at mga private business associates ng mag- asawa. Kaya natataguriang ” jungket trips ang mga foreign travels ni PBBM ay dahil dito.
Di rin kayang sabihin ni Pangandaman ang tunay at eksaktong bilang ng delegasyon ni Marcos Jr. sa tuwing maglalamiyerda ito sa ibayong dagat dahil masakit talaga sa mata at tenga ang figures o numero na bubulaga sa taong bayan.
Taxpayers money kasi ang nalulustay dito sa tuwing lalabas ng bansa si Marcos Jr.
Pati kasi mga julalay ni First Lady Liza sa kanyang law firm ay naisasama sa entourage.
Anak ng teteng!
Hay naku mahabangin LANGIT!
Ano nga ba ang tawag dito sambayanang Pilipino?
Ang alam ko kasi,ang tawag dito ay kakapalan ng mukha, pagiging palalo at pang-aabuso sa tungkulin at kapangyarihan!
May kasunod…
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com