Advertisers
INIHAYAG ni Department of Justice Undersecretary Raul Vasquez na plano ng gobyerno na magtatag ng forensic institute para sa science-based investigation para sa criminal cases, maritime mishaps at natural calamities.
Ang plano ay bahagi ng tatlong pangako ni Executive Secretary Lucas Bersamin nang dumalo siya sa ika-75 anibersaryo ng Universal Declaration of Human Rights.
Ibinahagi rin ni Vasquez na mayroon nang tatlong ambassador na sumusuporta sa plano.
Gumagamit ang forensic science ng DNA o Deoxyribonucleic Acid sa pagsusuri ng mga biological sample upang matukoy ang mga biktima o pinaghihinalaan ng krimen.
Noong 2012, itinatag ng Philippine National Police ang DNA Investigative and Research Center na dalubhasa sa forensic analysis ng human genetic materials.