Advertisers
Nag-alok ng halagang P20 milyones na reward ang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) kung sino ang makakapagbigay ng impormasyon sa nagbigay ng donasyon na P10-M sa gobyerno bilang pabuya sa puganteng si Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon kay Atty. Israelito Torreon , abogado ni Quiboloy, na nais ng KOJC na malaman kung sino ang nasa likod ng pagbibigay ng P10-M kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos.
Dagdag pa nito na iligal umano ang pagtanggap ng pera mula sa pribadong tao base sa nakatadhana sa Republic Act 6713 section 70 kung saan malinaw na ipinagbabawal ang pagtanggap ng mga public officials ng anumang pera mula sa pribadong tao.
Nais din ng KOJC na malaman kung sino ang nasa likod ng pagbuo ng assasination team na siyang papatay umano kay Quiboloy.
Kung ganitong,bounty kontra bounty na ang nangyayari sa ating bansa,lumalabas na pera- pera na ang labanan at di na iginagalang ng mismong gobyerno natin ang mga umiiral na batas.
Lubhang nakakatakot ito dahil malapit na ang Pilipinas sa ” state of anarchy and chaos”.
Kung magpapatuloy ang persecution na ginagawa ng pamahalaan laban sa inaakala nilang kalaban ng estado ,posibleng humantong ito sa paghihimagsik at tuluyang civil war.
Kapag tuluyan at patuloy na niyuyurakan ang mga lehitimong karapatan ng mga mamamayan sa tila ” “undeclared Martial Law” na umiiral,di malayong humantong nga ang bansa sa madugong pagkakagulo o digmaan.
Isang simpleng insidente lamang ay puwede itong ma- trigger at sumiklab.
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com