Advertisers
HINDI malalayo si Carlos Yulo sa asukal. Dahil sa kanyang hindi maikukumparang panalo ng gintong medalya sa Paris Olympics, dudumugin siya ng maraming tagahanga. Sasambahin at iluluklok sa pedestal. Kasama iyan sa laro, wika nga.
Aming ipinapayo kahit hindi hiningi na lumayo siya sa mga pulitiko. May halalan sa 2025 at huwag niya hahayaan na gamitin siya ng mga pesteng pulitiko upang mahalal. Binibigyan diin namin na lumayo siya sa grupong Davao City. Lumayo siya kay Gongdi, Sara, Bong Go, Bato dela Rosa, at sinuman sa kanila. Gayahin niya si Hidilyn Diaz.
Nang nasungkit ni Hidilyn ang ginto sa Tokyo Olympics noong 2021, inimbitahan siya sa Malacanang upang humarap kay Gongdi. Pumunta si Hidilyn bilang paggalang sa panguluhan o Office of the President. Nakipagkamayan at tinanggap ang gantimpala na mula sa kaban ng bayan. Ngunit walang larawan na nakipag fist salute siya doon.
Ipinapayo namin na pumunta siya sa Palasyo at humarap kay BBM kapag naimbitahan dahil bahagi iyan ng pagkilala sa kanyang ginawa sa Olympics. Ngunit huwag siyang pumunta sa OVP at humarap kay Sara. Huwag siyang pupunta sa opisina ng sinumang senador lalo na si Bong Go at Imee. Lason sa kanyang pagkatao ang makipagmabutihan sa pangkat ng “Inferior Davao” criminal syndicate.
Huwag siyang papayag na sunduin ng kahit sinong pulitiko. Huwag hayaan na may motorcade na kasama ang kung sinong pulitiko. Hindi niya kailangan ang sinumang pulitiko sa selebrasyon ng kanyang tagumpay. Tanging sa selebrasyon ng bansa at hindi ng sinumang pulitiko.
***
NGAYON pa lang, kabi-kabila ang pagbati kay Yulo. Maraming pulitiko ang may post na bumabati. Pati iyong tinatawag na “dakilang alalay.” Hindi tapat sa pusong pagbati iyon. Mga pagbati “in aid of reelection.” Sumasakay lang sa tagumpay ng ating pambansang atleta na nagpakahirap at nagsakrispisyo upang bigyan ng karangalan ang bansa.
Mag-iingat dapat si Yulo sa tinawag kong “Inferior Davao.” Sila ang mga mandarambong at kriminal mula sa siyudad ng Davao City. Ito ang tawag ko at tanging ambag sa talakayan sa pulitika ng bansa. Sila ang mga nagsamantala sa bayan noong sila ang nakaluklok sa Palasyo ng Malacanang. Hindi sia kilala sa anumang nakatagong galing dahil wala silang ilalabas na galing. Sila ang mga walang nakatagong galing.
Itinuturing kong isa sa aking matalik na kaibigan si Prof. Bayani Santos, isang netizen at akademiko. Natuwa siya sa akin ng gamitin ko ang katagang Inferior Davao bilang pagtalakay ng uri ng liderato na ibinibigay ng mga taga-Davao City sa bansa. Sinabi ko sa kanya na gingamit ko ang Inferior Davao bilang tugon sa kanilang tawag sa atin na “Imperial Manila.”
Galit sa mga taga-Luzon ang mga taga-Davao City dahil lahat halos ng desisyon ay ginagawa sa Maynila. Ginamit na iyan ni Lito Osmena at iba pang pulitikong pulpol mula Mindanao at Kabisayaan. Hindi natutuwa si Bayani sa aking paggamit sa “Imperial Manila.
Ito ang tugon niya: “Walang laman ang katawagang I(mperial Manila as if ang Maynila ay exploiter ng Mindanao. Baligtad. Metro Manila ang financier ng buong bansa to the tune of close to 70 percent. Sila mga parasite ng mga taxpayers ng Mega Manila.”
***
HABANG isinusulat ko ang kolum na ito, nanalo ng pangalawang medalyang ginto si Carlos Yulo. Hindi nangyari ang ganito sa mga nakalipas na Olympics. Dalawang ginto para sa isang atletang Pinoy sa Olympics, katangi-tangi ito sa kasaysayan ng palakasan sa bansa. Mabuhay ka Carlos! Ikinararangal ka ng buong bansa.
Mas darami ang mga epal na pulitiko na nakikisawsaw Pilit silang makikisakay sa tagumpay na isang atleta na pawis at dugo ang ipinuhunan sa kanyang athletic career. Marami sa mga pulitiko na tiyak na sasawsaw ay ang mga silbi sa bayan. Tulad ni Bong Go at Babs, wala silang ginawa na mabuti sa bayan.
***
MGA PILING SALITA: “Maraming pulitiko ang sasakay sa tagumpay ni Carlos Yulo. Bumabati pero hindi tapat na pagbati. In aid of reelection iyan.” – PL, netizen, kritiko
“Gayahin ni [Carlos Yulo] si Hidilyn Diaz. Nanalo ng gold sa Tokyo Olympics noong 2021. Humarap kay Gongdi kasi siya ang presidente noon. Pero hindi siya nagpagamit kina Gongdi at Bong Go. Hindi siya nagpaloko sa grupong Inferior Davao. Walang kuha ng larawan na naka-fist salute siya. Hindi siya nagpaloko sa mga mamamatay tao ng Inferior Davao.” – PL, netizen, kritiko
“With athletes of 90% of all nations worldwide participating, you may think the 2024 Paris Olympics have become a Tower of Babel. Not exactly. The French coach of the Japanese men’s volleyball team talk to his players in English. This was somewhat surprising because the Japanese are not known to be that proficient in English. Then, it dawned on me that the better Japanese volleyball players (men and women) play elsewhere, mostly European leagues. They have to learn their English to communicate with their coaches and fellow players. Even the foreign coach of our own lady boxer Aira Villegas gives his instructions in English. French is the official language in the Olympics, but English is the preferred language among players, coaches, and their staff.” – PL, netizen, kritiko
****
POST KO ITO NOONG NAKARAANG TAON. Pakibasa na lang.
Come to think about it, no BBM statement favors Gongdi. In fact, the heat is on the latter. When BBM said “that’s it; we’re done talking with the ICC,” it was the most logical thing to do because the PH had made its last appeal and the ICC Appeals Chamber rejected its last appeal. The PHL gov’t is no longer in any position to make another appeal. Hence, no appeal from the PG gov’t is forthcoming. The formal investigation starts and there’s no legal impediment to stop or impede it. Go na go na iyan.
BBM said the PH govt will not cooperate with the ICC on its probe on the killings during Gongdi’s drug war. This is seen as largely a political statement, not a policy decision. He has not issued any executive order or memorandum circular instructing responsible state instrumentalities to carry out this order. This is just another trial balloon subject to changes depending on the emerging situation. Pinaglalaruan lang si Gongdi. It’s a big question if the madman understands it. We’ll see if he will attend the SONA on Monday or stay in Peking. Abangan…