Advertisers

Advertisers

Kapitan pinatay sa loob ng barangay hall

0 30

Advertisers

NASAWI ang isang barangay chairman nang pagbabarilin mismo nasa loob ng barangay hall sa Arayat, Pampanga, Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Norberto Lumbang, kapitan ng Barangay Lacquios, Arayat.

Sa report, habang abala ang biktima sa loob ng barangay hall 8:30 ng gabi nang dumating ang tatlong lalaki sakay ng itim na Toyota Innova (NAU2713) na huminto sa tapat ng barangay hall.



Bumaba sa sasakyan ang mga lalaki na armado ng mahahabang baril at pinaulanan ng bala ang biktima na kaagad nasawi.

Agad tumakas ang mga salarin sa ‘di nabatid na direksyon.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen. (Thony Arcenal/Mark Obleada)