Advertisers
NASAWI ang dalawang magkaibigan at sugatan ang kasamahan ng mga ito nang pagbabarilin sa loob ng isang bahay sa Barangay 176, Caloocan City nitong Lunes ng umaga.
Kinilala ang mga nasawi na sina Lenard Nogal at Enrico Madriaga, kapwa 25 anyos.
Nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo sina Enrico at Lenard, sanhi ng kanilang agarang pagkamatay.
Sugatan ang isa pa sa mga kasamahan ng mga biktima na agad isinugod sa ospital.
Nakaligtas naman ang isa sa kanila.
Sa inisyal na ulat, kasalukuyang nagdiriwang ng kanyang kaarawan si Enrico kasama ang tatlong iba pa nang dumating ang mga salarin at pinagbabaril ang mga biktima.
Maswerteng nakatakbo sa toilet ang may kaarawan kaya nakaligtas ito sa pamamaril.
Ayon sa Caloocan City Police, limang basyo ng bala at 2 tingga ang kanilang nakalap nila sa pinangyarihan ng krimen.
Patuloy pang nag-iimbestiga ang pulisya sa krimen.
(Beth Samson)