Advertisers
PILIPINAS ang lumitaw na back-to-back best Southeast Asian nation sa nagtapos na Paris Olympics.
Sa 22- delegasyon ng atleta, nagawa ng bansa na iposte ang kanilang best finish sa loob ng 100 taon na paglahok sa paligsahan, inangkin ang 2 gintong medalya at 2 tanso at pang 37th place sa medal tally.
Sa Tokyo,ang Pilipinas ay nagtala ng 1-2-1 gold-silver-bronze tampok ang weightlifter Hidilyn Diaz na nagwagi ng kauna-unahang Olympic gold para sa bansa.
Ito ang unang pagkakataon na ang Pilipinas ay nagwagi ng multiple medals sa dalawang magkasunod na Olympic editions.
Sa Paris, naghari si Carlos Yulo sa floor excercise at vault kumpetisyon sa men’s artistic gymnastics para ideliver ang dalawang gold medals.
Boxers Nesthy Petecio at Aira Villegas nagbulsa ng tig-isang bronze medal nang makarating sa semifinals ng women’s 57kg at 50kg classes,ayon sa pagkakasunod.
Indonesia nagbulsa ng dalawang gold medals sa Paris pangalawa lang sa Pilipinas na may isang bronze.
Thailand, pang 44th place. nagwagi ng pinakamaraming medalya na anim pero pangatlo lang sa Southeast Asia na may isang gold medal at 3 silvers at two bronze.
Malaysia, 18th overall, nalagay sa fourth na may 2 bronze medals habang ang Singapore joint 84th, nagtapos fifth best sa Southeast Asia na may isang bronze.
Double gold medalist Carlos Yulo, bronze medalists Nesthy Petecio at Aira Villegas pati ang iba pang Filipino Olympians ay may nakatakdang heroes parade Martes ng hapon.
Ang Filipino Olympians ay darating mula sa Paris Martes ng hapon, Agosto 13 sa Villamor Airbase at magpatuloy sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay para sa welcome ceremony ng government opisyal.
Mula sa PICC, ang parada ay iikot sa boung Manila at magtatapos sa Malacañang Palace, kung saan ang Presidente Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. makakatagpo ang Olympians na inaasahang magbibigay ng insentibo ang pangulo.