Advertisers

Advertisers

2026 proposed nat’l budget itinakda sa P6.793-T

0 21

Advertisers

ITINAKDA ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang panukalang pondo para sa susunod na taon sa P6.793 trillion matapos aprubahan ng komite na pinamumunuan ng Department of Budget and Management (DBM) ang naturang proposed budget.

Ang panukalang pambansang pondo para sa 2026 ay 7.4% na mas mataas kumpara sa national budget ngayong taon na nasa P6.326 trillion. Katumbas naman ito ng 22% ng gross domestic product (GDP) ng bansa.

Sa isang pulong balitaan kasunod ng isinagawang 191st DBCC meeting, sinabi ni DBCC Chairperson at Budget Sec. Amenah Pangandaman na ipraprayoridad ng 2026 national budget ang human capital development sa pamamagitan ng pagtutok sa pamumuhunan sa dekalidad na edukasyon, healthcare at workforce upskilling.



Gayundin, ang patuloy na pamumuhunan sa Build, Better More Infrastructure Program ng Marcos administration at digital transformation na nakahanay pa rin sa Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028.

Ayon sa Budget chief, una ng nakatanggap ang DBM ng agency budget proposal na P10.101 trillion subalit dahil sa limitadong fiscal space at nangako ang gobyerno na unti-unting pababain ang fiscal deficit sa medium term, nagsagawa ang ahensiya ng mabusising evaluation process.



Masusi rin aniyang binusisi ang kapasidad ng mga ahensiya para masiguro ang epektibong paggasta ng mga pondo.

Samantala, ayon sa DBM, target na isumite ang 2026 National Expenditure Program sa Kongreso sa Agosto. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">