Advertisers
Nasawi ang tatlong mataas na lider ng New People Army (NPA) kabilang ang isang consultant ng National Democratic Front (NDF) sa naganap na engkwentro sa pagitan ng militar at rebelde sa Lambunao, Iloilo.
Kinilala ang dalawang lider ng tebelde na sina Maria Concepcion Araneta Bocala alias Inday o Concha, NDF Consultant at Deputy Secretary of KR – Panay; Vivian Torato alias Muray or Minerva, Secretary NPA’s guerilla front sa Panay, Central Front (CF) at Vicente Hinojales, alias Arjie, HAdjie at Mandi, Regional Secretary ng Komiteng Rehiyon-Panay (KR-P).
Ayon kay Lt Gen Fernando M Reyes, Commander Visayas Command (VISCOM), ang engkwentro naganap sa pagitan ng mga elemento ng 82nd infantry Battalion at ‘di nabatid na bilang ng mga rebelde sa Sitio Igdagmay in Brgy. Cabatangan, Lambunao, Iloilo.
Kabilang si Bocalan sa mga Most Wanted Person na may kasong murder at may nakalaan P5.3 million reward sa makapagbibigay ng impormasyon para sa agaran nitong pagkakadakip.
Tumagal ang bakbakan ng 10 minuto bago tuluyang tumakas ang mga rebelde sa ibat ibang direksyon na iniwan ang dalawang nasawing kasamahan.
Narekober ng mga sundalo sa pinagyarihan ng engkwentro ang 3 M 16 riffle 1 M79 grande launcher at 1 visor, 1 shotgun, at mga personal na gamitan/
Patuloy ang pagtugis ng mga sundalo laban sa mga tumatakas na mga rebelde.(Mark Obleada)