Advertisers
Ni Beth Gelena
ISA lang ang nawala sa Batang Quiapo, si Ivana Alawi, heto at dalawang aktres ang ipinalit sa kanya.
Nauna nang pumasok ang karakter ni Kim Domingo bilang si Madonna.
This time naman ay si Barbie Imperial ang bagong mukha na mapapanood sa BQ.
Nitong Biyernes ay pinakita na sa last episode ng BQ ang karakter ni Barbie bilang si Tisay.
Bongga ang role ng aktres, isa siyang hustler maglaro ng baraha. Angas nga raw ng kanyang karakter e.
Ang dami ngang nag-welcome sa pagpasok ni Imperial sa BQ.
***
MARIEL MAY POST KAUGNAY SA MASELANG ISYU TUNGKOL SA MAG-ASAWA
MAY post si Mariel Padilla sa kanyang Facebook account kung saan hinahalikan siya sa labi ng mister na si Senador Robin Padilla.
Nilagyan niya ito ng caption na, “oh may concent yan ha”
Eto ay sa gitna ng paghingi ng paglilinaw ng senado sa kontrobersiya nang matalakay ang maselang isyu tungkol sa mag-asawa sa Senado.
Pabirong nagkomento naman ang senador sa post ng kanyang misis.
“Hello babe. I’m in heat.”
“It’s a tie… i’m feeling hot hot hot,” sagot ng celebrity mom.
Umani ng atensyon sa social media ang nasabing post ni Mariel.
May nagkomento
“There’s no such thing as being too late.”
Marami ang nakapansin na ang naturang palitan ng mag-asawa sa social media ay tila may kaugnayan sa kontrobersiyang kinakaharap ni Sen. Robin sa Senado. Ang social media post na ito ni Mariel ay tila naging paraan upang ipahayag ang kanilang saloobin bilang mag-asawa sa usaping ito. Marami ang nagbigay ng iba’t ibang interpretasyon sa post at komento ni Sen. Robin, lalo na’t sensitibo ang isyu na tinatalakay sa Senado.
***
ANDREA HINDI NAGPAKABOG KAY DIMPLES
SA nalalapit na pagtatapos ng High Street ay lumalabas na ang highlights ng teleserye.
Ang dating mag-ina sa Kadenang Ginto noon na sina Dimples Romana (Daniela) at Andrea Brillantes (Marga), ngayon ay magkalabang mortal sa HS.
Hindi nagpakabog ang young actress bilang si Sky sa mapagpanggap na si Tori.
Sabi nga ni Dimples, “Anak, Marga ginalingan mo na naman. I break the trouble. Yung mga tinuro ko sa kanya lahat sa Kadenang Ginto. She has …sa sama ng ugali…nilubos niya lahat sa iisang sampal niya akin. Sky Love Cruz you are now on my blacklist.”
Hindi talaga nagpatinag si Andrea kay Dimples lalo na nang sampalin siya ng mahusay na aktres na ginantihan din ni Blythe nang nakakatulig na sampal na ikinamangha ni Dimples.
Nanlilisik ang mga matang halos lamunin ng buo ni Dimples ang young actress.
Wika naman ni Andrea, “the show must go on.”
Komento ng netizens: “napakalupit yung aktingan nina Tori at Sky.”