Advertisers

Advertisers

Cherry Pie di matanggihan ang BFF na si Direk Joel

0 20

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

DATI ay nasa Ang Probinsiyano, ngayon naman ay cast member ng Batang Quiapo ang rapper/actor na si Smugglaz bilang si Kidlat.

Inusisa namin si Smugglaz kung paano katrabaho si Coco Martin.



Lahad niya, “Sa totoo lang po si Coco Martin ay napaka-propesyunal na tao, pero bukod dun na para siyang sundalo talaga kumilos ay napakabait niya din po off-cam.

“Kasama din po namin siya sa mga happenings, sa mga harutan, sa mga kuwentuhan ng mga kung anu-ano lang, mga kuwentuhang kanto, nakikisama din siya diyan, marunong siya, pero ang pinakagusto ko po kay Coco Martin ay pag trabaho talaga is trabaho talaga.



“Pinaghihiwalay po niya yan, yung may oras tayo para dito, may oras naman sa trabaho.”

Iyon ang sinasabi niyang parang sundalo si Coco.



“Yes po,” wika ni Smugglaz, “kasi po talagang si Coco Martin e never nale-late, at pag nandun na kami sa set dapat naka-ready na kami, lalo na nung mga scenes n canamin na nagpulis kami, kasi sobrang ang daming abubot, kailangan may baril kami, kailangan kumpleto yung uniform ng pulis, dahil nire-represent namin ang PNP.

“Bawal ang sloppy-sloppy na pagsusuot, so talagang check, check, check, talagang ganun kami, snappy po talaga.

“Talagang na-i-apply din namin siya, yung character namin, kung paano kami nakikipagtrabaho kay Coco Martin, kasi talagang nakita namin isinapuso niya yung pagiging pulis nun e, naging sundalo kami, naging Presidential Task Force kami dun sa Ang Probinsiyano, talagang niyakap namin yung role nun.”

Dating napapanood ni Coco ang mga videos ni Smugglaz kaya kinuha siya para sa Ang Probinsiyano at Batang Quiapo?

“Yes po,” wika pa ni Smugglaz.

Bagong kanta na ni-release ni Smugglaz ang “Piging” sa ilalim ng Believe Music Philippines.

Bukod sa “Piging” ay si Smugglaz ang kumanta ng mga hit songs na “Pilosopo”, “Samin”, “ThePakyuSong”, “Bat Maangas Ka” at marami pang iba, at nakasama rin siya sa sikat na kanta ni Vice Ganda na Karakaraka.

***

KAHIT hindi pa niya nababasa ang script, umoo agad si Cherry Pie Picache na gawin ang pelikulang Fatherland.

Sa direksyon ni Joel Lamangan, gaganap dito si Cherry Pie bilang isang mayor na Intsik.

Alam daw ni Cherry Pie na hindi siya pababayaan ni direk Joel in doing her role.

Ani Cherry Pie, “Saka si frenny yan, e! Ha! Ha! Ha!

“Hindi ko matanggihan… At saka dinescribe naman ni direk Joel yung role, so iyon. I’m happy that I’m always on his mind, di ba?

“Marami na akong nagawang projects sa kanya. In fact, di ba, I always say that Direk Joel is one of the few na actor’s director.

“If not ngayon, parang siya… di ba, among the senior directors na meron tayo? Sa mga kinalakihan ko, yung ganun.”

Kung sa Batang Quiapo ay co-actors sila, artista naman siya ni direk Joel sa Fatherland.

”Iba rin ang dynamics namin. At saka si direk Joel naman, di ba, nag-umpisa bilang aktor sa PETA.

“Kaya nga siya actor’s director, kasi he’s an actor, first and foremost. He’s a theater actor.”

May payo ba si si Cherry Pie sa mga artistang unang beses katrabaho si direk Joel?

“Bilisan niyo!” mabilis na pahayag ng aktres.

“Si direk kasi, fast worker saka fast thinker. He knows what he wants. Kung medyo mabagal ka or whatever, di ba… medyo umiinit ang ulo. Ha! Ha! Ha!”

Nasa cast din sina Allen Dizon, Iñigo Pascual, Ara Mina, Angel Aquino, Max Eigenmann, Bo Bautista, Ara Davao, Rico Barrera, Yasser Marta, Jeric Gonzales, Abed Green, Jim Pebanco, at Richard Yap.