Advertisers

Advertisers

P2M cash incentive personal na ibinigay ni Mayor Honey kay Paris Olympic 2x gold medalist Carlos Yulo

0 14

Advertisers

“ANG inyong determinasyon, sipag at preparasyon sa laban ay nagbunga ng kahanga-hangang kampeyonato… napakalaking karangalan ang dinala n’yo sa ating bansa at ngayon po ay nakatatak na kayo, ang inyong pangalan, sa kasaysayan ng Maynila at ng buong bansa.”

Ito ang naging pag-welcomed ni Mayor Honey Lacuna sa Paris two-time gold medalist at Manila resident Carlos Yulo matapos siyang bumisita sa Manila City Hall kung saan nakatanggap ito ng hero’s welcome mula sa mga city officials at employes sa pangunguna ni Mayor Lacuna at Vice Mayor Yul Servo.

Ibinigay din kay Yulo ang kopya ng resolution na ipinasa sa Manila City Council sa ilalim ng Presiding Officer na si Yul Servo, kung saan itinatalaga ang August 4 bilang ‘Carlos Yulo Day’, kung saan ito ang eksaktong araw na napanalunan niya ang kanyang unang gold medal. Sinamahan siya ni Servo at ng mga miyembro ng Manila City Council.



Kasunod nito, ay inabot ni Lacuna kay Yulo ang symbolic check na nagkakahalaga ng P2 million bilang cash incentive mula sa local government of Manila.

Noong isang linggo ay pinagkalooban din ni Lacuna ang pole vaulter na si EJ Obiena ng cash incentive na nagkakahalaga ng P500,000.



Ang nasabing cash incentive ay ibinigay ng maaga dahil kailangang umalis ni Obiena noong Huwebes nang nakaraang linggo para sa panibagong kumpitisyon.

Sa kanyang maiksing mensahe sa ginanap na awarding ceremony sa Bulwagang Villegas in City Hall, sinabi ni Lacuna na:”Ito ang aming munting pagkilala sa napakahalagang kontribusyon ninyo sa larangan ngs sports at sana aymaarami pang kabataang Manilenyo at Pilipino ang inyong mabigyan ng inspirasyon na magtagumpay sa kanilang piling larangan. Salamat sa mga nagsilbing gabay at tulay sa inyong tagumpay. Dalangin namin ang marami pang medalyang ginto sa inyong mga torneo na sasalihan lalo na sa 2028 Los Angeles Olympics.”



Si Yulo ay residente ng Leveriza, Malate, Manila habang si Obiena Naman ay mula sa Tondo at estudyante ng University of Santo Tomas (UST). (ANDI GARCIA)