Advertisers
Zamboanga City Jail Male Dormitory (ZCJMD) kinilala ng Anti-Red Tape Authority (ARTA)?
Bakit kinilala ang piitan? Ano pa man, hindi na nakapagtatak dahil simula naman kasi nang maitalaga noong nakaraang taon si Jail Superintendent Xavier Solda bilang warden dito, malaki ang ipinagbago ng Zambo Jail dahil sa mga inisyatibo ni Solda upang maging awardee ang piitan lalo na si Solda.
Kaya tulad ng nabanggit, hindi na nakapagtataka kung saludo ang ARTA sa Zambo jail.
Ano pa man, kinilala ng ARTA ang ZCJMD dahil sa hindi matatawaran kontibusyon nito sa pagbabago o simplikasyon ng mga serbisyo sa piitan upang mapabilis ang lahat ng transaksyon.
Simula Enero, ang estrahiya ng ZCJMD’s “Bilis Pila, Bisitang Masaya” na ang layunin ay mapabilis ang pagproseso ng mga kailangan ng pamilya ng PDLs na dadalaw sa piitan. Dahil sa simplikasyon bumaba sa 70% ang average transaksyon sa Zambo jail.
Sa katatapos na 2024 Ease of Doing Business Summit na ginanap sa Marcian Garden Hotel sa Zamboanga City, personal na pinarangalan at iginawad ni ARTA Director General Secretary Ernesto Perez ang certification of recognition kay Zamboanga City Jail Male Dormitory Warden Jail Superintendent Xavier Solda.
Maliban sa Zambo jail, kasama din sa kinilala ay ang City Government of Zamboanga, City Government of Dapitan, Department of Labor and Employment Regional Office 9, Zamboanga City Central Eagles Club, JCI Zamboanga La Bella, at Zamboanga Filipino-Chinese Chamber of Commerce.
Sa mensahe ni Perez sa summit, kanyang binigyan-diin ang socioeconomic agenda ni President Ferdinand R. Marcos Jr., partikular na ang kahusayan sa burukasya.
“The government is focused on ensuring fast and quality service to the people,” pahayag ni Perez.
“And we thank government offices and agencies like the BJMP here in Zamboanga City for their commitment to efficient and effective service delivery,” dagdag ng Kalihim.
Tiniyak naman ni BJMP Chief Jail Director Ruel Rivera ang kanyang pagsuporta sa lahat ng planong simplikasyon ng pamahalaan partikular na ang para BJMP.
“Our priority is to continuously improve the delivery of welfare and development services to persons deprived of liberty under our care”, pahayag ni BJMP chief.
“We remain committed to serving the public with greater efficiency and trust”, dagdag pa ng opisyal.
Muli, hindi na nakapagtataka kung pinarangalan ang Zambo jail…ang lahat ay dahil sa inisyatibo ni Solda na suportado naman ng kanyang bossing na si Dir. Rivera.