Advertisers
SI dating human rights lawyer at datingr Presidential Spokesperson Harry Roque, ang kanyang misis na trustee ng Pag-ibig Fund, at kanyang dating executive assistant (EA) na si ‘Mr. Supranational’ Alberto Rodulfo “AR” Dela Serna ay kabilang sa mga pangunahing isinasangkot sa POGO Hub sa Porac, Pampanga na hindi sumipot sa QuadCom hearing na isinagawa sa Bacolor, Pampanga noong August 16, 2024.
Ang QuadCom ay nag-isyu ng ‘show cause’ orders sa lahat ng pangunahing personalidad na hindi sumipot sa pagdinig.
Ang rason ni Roque sa hindi pagdalo sa hearing ay mayroon daw siyang hearing sa Manila Regional Trial Court.
Kukumpirmahin pa ito ng QuadCom.
Si Roque ay nag-testify sa House Committees on Public Order and Safety and Games and Amusement noong July 31, 2024 sa alegasyong sangkot ito sa operasyon ng Lucky South 99 Outsourcing Inc., ang operator ng snalakay na POGO Hub sa Porac. Itinanggi niya ang anumang koneksyon sa Lucky South. Nire-represent lamang aniya ang otorisadong kinatawan ng Lucky South.
Pero sa hearing, nabunyag ang lahat na si Roque ay nag-aabogado sa Lucky South nang aminin niyang sinamahan niya ang “authorized representative” ng Lucky South na si Cassandra Li Ong sa miting kay Chairman Alejandro Tengco ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para sa negosasyon sa aplikasyon ng Lucky South para sa internet gaming license (IGL).
Pero matapos ang ilang follow-ups, nabigo si Roque sa kanyang paghingi ng pabor kay Chairman Tengco.
Sa hearing, nang tanungin ni Congressman Benny Abante, Jr si Roque kung may plano ba itong magwidro ng kanyang legal assistance sa Lucky South kungsaan siya’y nadidiin sa illegal operations nito, tumanggi ito.
Ang ex-EA ni Roque na si AR Dela Serna ay hindi rin sumipot sa QuadCom. Ang kanyang pagkakasangkot ay nabunyag nang ang kanyang pangalan ay nakita sa mga dokumento sa sinalakay na POGO hub sa Porac. Nabatid na ito’y dating model at pageant winner, may hawak na posisyong Executive Assistant III kay Roque na may sahod na Salary Grade 20 noong 2021.
Kabilang sa mga dokumentong nakuha sa POGO ang ‘Affidavit of Support’ na pinondohan ni Roque ang mga biyahe ni AR sa Poland, Ukraine, at Italy.
Ang POGO ay nagsulputan sa bansa pag-upo ni Rody Duterte noong 2016, base sa datus ng PAGCOR.
Kung si Roque ay coddler ng POGO, hindi malayong si Duterte ang POGO King! Puede!!!
Oo nga pala, kalat sa social media ang panawagan na ipa-disbar si Roque.
Hmmm… hindi malayong abutin ito ni Roque, tulad ng nangyari kay Larry Gadon. Na-disbar. Hehehe…
***
HINDI ako kumbinsido sa ibinunyag ni dating Customs intel officer Jimmy Guban tungkol kay Paul Gutierrez, kasalukuyang Usec. ng Presidential Task Force on Media Affairs, na nag-mediate raw sa nasabat na magnetic iron lifters noong 2018.
Kilala ko si Paul mula nang matalaga siyang reporter sa BoC ng People’s Journal hanggang sa maging presidente siya ng National Press Club kungsaan magkasama kami hanggang sa siya’y maging Usec ng PTFoMAs.
Mula noon hanggang ngayon ay walang pera itong si Usec. Paul. Lagi nga ito nangungutang sa amin na mga kaibigan niya eh. Kaya malabo masangkot ito sa anumang iligal lalo sa drug smuggling. Period!