AKSYON NI LUCENA CITY MAYOR ALCALA SA PAIHI AT DROGA; PNP CHIEF MARBIL, NBI DIR. SANTIAGO DEDMA SA VIOLAGO GROUP
Advertisers
Ni CRIS A. IBON
UMUUSOK ang tainga sa galit ni Lucena City Mayor Mark Don Victor Alcala nang iutos niya na lansagin ang operasyon ng tatlong sindikatong “buriki” na makikita sa kanyang siyudad na front din ng bentahan ng iligal na droga.
Hanggang nitong Lunes, August 19, 2024, lamang ang itinakdang palugit ng butihing alkalde kay Police Chief Lt Colonel Dennis De Guzman at kanyang mga tauhan na gibain ang kuta ng buriki, na nakunan ng litrato ng photog ng Police Files Tonite, ng isang alyas “Amigo” sa kahabaan ng Ecotourism Road, Barangay Ibabang Talim, Lucena City.
Nagpapanggap na alyado sa pulitika at kumpare ng alkalde si Amigo upang huwag guluhin ng mga awtoridad ang kanilang iligal na negosyo.
Dalawa pang burikian/paihian na minamantine ng isang Troy sa Brgy. Salinas, at Bong sa Brgy. Isabang ang nag-o-operate sa lungsod ni Mayor Alcala.
Sa gitna ng “stop buriki operation order” ni Mayor Alcala, tanging ang burikian con drug den na ino-operate nina “Sammy” at “Alfred” sa Guinyangan ang nalalabing nag-o-operate pa sa hurisdiksyon nina Quezon Gov. Angelina “Helen” Tan at PNP Provincial Director Col. Ledon Monte.
Dahil sa pag-aksyon ni Mayor Alcala at LtCol. De Guzman ay natuwa ang grupo ng Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB) na nanawagan kina PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil at NBI Director Jaime Santiago na huwag na antayin ng mga aito na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang siyang mag-utos sa kanila upang tuldukan ang pamamayagpag ng iba pang kuta ng oil at petroleum smuggling, paihi at droga ng sindikatong Violago Group na pinamumunuan ng tatlong maimpluwensyang personalidad na kinilalang sina alyas “Goto”, “Bogs” at “Cholo”.
Ayon sa MKKB, may ilan pang paihian/burikian ng Violago Group na hayag ding front ng bentahan ng shabu na nag-o-operate sa CALABARZON. Ito ay ang pinatatakbo ng isang alyas “Amang” sa Brgy. Bancal na deka-dekada nang nag-o-operate sa siyudad ni Mayor Dahlia Lo-yola, ngunit ‘di masupil nina Cavite Provincial Director Col. Eleuterio Ricardo Jr. at Carmona City Police Chief LtCol. Jefferson Ison.
May isa pang kuta ang mga ito na pinapatakbo ng kanilang dummy na Duterte Die Hard Supporter (DDS) na PNP Colonel at isang peke na Sgt. Buloy sa harapan lamang ng main gate ng Batangas City Pier sa Brgy. Sta Clara.
Ang naturan ding Colonel, na dating superior officer ni Batangas PNP Provincial Director Col. Jacinto “Jack” Malinao Jr., ang nag-o-operate ng higit sa 500 colorum van at illegal terminal sa Batangas City Pier.
Matagal nang inirereklamo ng mga Caviteño ang mahigpit na natatanuran ng mga armadong goons at nakauporme na PNP at militar na burikian sa Brgy. Bancal, Carmona City.
Kasama ding inireklamo ang mga saklaan sa mga bayan ng Amadeo, Naic, Ternate, Maragondon, Magallanes, Bailen at sa mga siyudad ng Dasmariñas at Bacoor na pinapatakbo ng isang Hero at fake na NBI agent na si Elwyn, ngunit walang aksyon si Col. Ricardo Jr.
Maging sina Cavite Gov. Junvic Remulla at DOJ Crispin Remulla na kapwa nagdeklara ng pagtutol sa operasyon ng smuggling, paihi at ilegal na sugal ay hindi nagtagumpay na patigilin ang illegal business ng sindikatong Violago at Amang pati na ang sakla operation sa kanilang probinsya.
Ayon sa MKKB, nalulugi ang pamahalaan ng bilyones na buwis na dapat sana’y napupunta sa kaban ng bayan sa halip ay naibubulsa ng naturang sindikato at ilang tiwaling opisyales ng gobyerno na nagsisilbing protektor ng naturang ilegal na negosyo.
Ang smuggling, paihi at drug operation ng Violago Group ay sumesentro sa hurisdiksyon ni PNP Region 3 Director BGen. Jose Hidalgo Jr. partikular sa mga bayan ng Mariveles at Limay, Bataan kungsaan idinadaong ang smuggled mula sa bansang China at Malaysia na daan-daang libo hanggang milyones na litro ng gasolina, krudo at diesel mula sa mga barko at barges na naka-ankorahe sa Manila Bay, kakutsaba ang ilang port officials tulad ng Philippine Navy, Coast Guard, PPA , BOC, may ari, kapi-tan at crew ng sasakyang dagat.
Pinakamarami ang kuta ng Violago Group sa AOR ni Bataan PNP Director Col. Palmer Z. Tria. Ang mga ito ay nasa magkakahiwalay na kuta sa mga bayan ng Hermosa na ino-operate nina Albert, Rose, Cabiling at Lito; Limay nina Bogs at Pedro; Mariveles nina Juvy, Suya at Blade; Abucay ni Ben at Imelda; Limay ni Kap Velasco at Brgy. Mabato, Orion ni Romy.
Na-raid na ng mga operatiba ng NBI ang pinagkukutaan nina Juvy, Suya at Blade, ngunit kaduda-dudang muling nakapag-operate ang mga ito.
Iniulat ng MKKB na isang alyas Oscar ang lingguhang namumudmod ng P3 million para sa ilang opisyales ng PNP Camp Crame, NBI main Headquarter; P2.7m sa PNP Region 3 at NBI District Office, Port official tulad ng Coast Guard, Customs, PNP Maricom; P2.7m din sa NBI Regional 4-A District Office, kapalit ng pulido at walang sagabal na smuggling, paihi at illegal drug operation ng Violago Group. May nakalaan ding weekly intelhencia para sa mga LGU at lokal na pulisya kung saan nag-ooperate ng smuggling, paihi at drug trade ang naturang sindikato.