Dovie San Andres, May Supportive Na Canadian Ex- Husband; Eternal Diva Evelyn Francia, May Upcoming Single Na Sa Tulong Ni Nick Vera Perez
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
NAKAAALIW panoorin ang FB Live ni Dovie San Andres. Well, sa aming pagkakaalam simula nang mauso ang social media ay isa si Dovie sa naging active rito. At lahat ng social media and digital platforms like FB, IG at Youtube ay makikita niyo siya kung saan madalas siyang mag-upload ng mga daily activities niya like her exercises, grocery, cooking at gardening.
At may mga video rin siya ng kanyang mga acting scenes. At mukhang preparations na niya ito sa gagawin nilang indie film ng anak na si Elrey Binoe na action-drama-thriller. Yes, may acting din itong si El-
rey na namana niya kay Dovie. By the way, sa recent FB Live ni Dovie, habang naghuhugas siya ng pinggan ay napansin namin ang nasa likuran niyang foreigner. Ito pala ang ex-husband niyang Canadian na father ng kanyang tatlong anak na sina Dean, Duke at Elrey. And his name is Alex. Infairness at his age ay mala-Hollywood actor ang dating ni Alex. Pero his idol daw is the late Elvis Presley. Kaya pala alam niya ang mga kanta ni Elvis and his voice is good. Si Dovie, ang maganda naman sa kanya ay kahit na may mga taong nagpapa- stress sa kanya ay chill and relax pa rin siya lalo na kapag dinadalaw siya ng gwapo at cute grandson niyang si Xander, na binibigyan niya ng Canadian dollar. Napakabibo naman kasi ni Xander kaya tuwang-tuwa si Dovie sa kanya.
***
THE voice. The personality. The kindness and The legacy. Ganyan kung ilarawan ni Nick Vera Perez ang kaibigan at talent niya na si Ms. Evelyn Francia na binansagan niyang the “ETERNAL DIVA.”
Unang inintroduce ni Nick si Ms. Evelyn sa public sa kanyang Philippine Album Tour 2024 sa malalaking mall sa Mega Manila at Mindanao na lahat ay naging successful. In all fairness, patok din sa crowd ang nasabing Eternal Diva especially sa duet nila ni Nick na kilala namang Pinoy and International Recording Artist na pwedeng ilagay sa Guinees Book of Records sa rami ng albums. Isa rin itong Nurse Doctor sa Illinois, Chicago, USA. And going back to Ms. Evelyn ay ipinag-produce siya agad ng single ni Nick at ang titulo ng upcoming single nito ay “OPEN OUR HEARTS.” By October 20, 2024 ang release nito sa mga popular Digital Music Platforms like Spotify and ITunes, Etc. Isang inspirational song ang Open Our Hearts at tiyak marami ang maaantig dito at makaka-relate. Well, good luck Nick and Ms. Evelyn.
MAY kaniya-kaniyang opinyon at paalala ang patok na trio sa “CAYETANO IN ACTION With BOY ABUNDA” na sina Kuya Boy Abunda, Senator Kuya Allan Peter at Ate Sen na si Pia Cayetano sa kanilang weekend public service program. For Tito Boy, “Lahat nagagawan ng paraan sa mabuting pag-uusap.” May mga pagkakataon kasi kung saan ang mga problema at di pagkakaunawaan ay pwedeng idaan sa pag-uusap, pakikinig at pagsasalita ng maayos ng mga taong dumudulog ng problema at reklamo sa CIAWBA.
Hangad naman ni Sen. Allan ang tagumpay ng bawat Pilipino, “Gusto namin na maging successful kayo, pero magsisimula ito sa sarili niyo. Magtutulungan tayo.” At para naman sa Ate Senator ng lahat na si Pia Cayetano ay maniwala pa rin tayo sa kabutihan ng kapwa PINOY! “There’s hope for humanity, kapag nakita natin ang ating mga kababayan na nagbibigay ng kontribusyon sa pamamagitan ng kanilang talento o kasipagan at naglilingkod sa kapwa. Kaya salamat sa mga Pinoy, na tumutulong sa mga nangangailangan.” Tama ka diyan Ate Sen Pia. Panoorin ang Cayetano In Action With Boy Abunda every Sunday, 11:00 PM sa GMA7. May replays ito every Saturday, 10:30 PM at GTV Channel 11.