Advertisers

Advertisers

Itakwil, mga Diktador ng Maynila na nag-alis kay Konsehala Ibay!

0 349

Advertisers

GALING naman ng mga taga City Council ng Maynila, dear readers, feeling mga senadores y congressman at bida-bida na akala sa sarili nila, lalo si Vice Mayor John Marvin ‘Yul Servo’ Cruz Nieto, sila ay mga justices ng Supreme Court na magaling mag-interpret ng batas.

Violators ng batas ang mga pinutukan ng suwerte na sa pagsumpong ng deliryo ng kapanyarihan, inalis nang walang abiso si ex-officio City Councilor SK Federation President Juliana Rae ‘Yanyan’ Ibay bilang Chairperson ng Committee on Youth and Sports Development.

Wag sabihin ni Mayor Maria Sheilah ‘Honey’ Honrado Lacuna-Pangan na wala siyang alam sa ginawang ito ng City Council, kasi di kikilos ang mga kasapakat niya nang wala siyang basbas o imprimatur.



Yun ding mga kongresista ng Maynila, ano na — di na kayo kikibo at isusuko na lang nyo ang inyong oversight functions para imbestigahan ang kalokohang ito, ha, Cong. Joel Chua, et. al.?

Ito ang sinasabi ng Section 12 of the Revised Rules Implementing Republic Act No. 10742 otherwise known as the SK Reform Act, as amended by Republic Act No. 11768 — na ang SK Chairperson ay otomatiko — kusa at walang puwedeng humadlang na anomang utos — na magsisilbi na ex-officio na opisyal ng Sanggunian.



Kung SK president ng Barangay, siya ay Kagawad at gayundin kung sa munisipyo o siyudad o ng lalawigan, kaloob ng batas na ang mahalal na pangulo ng mga SK sa bawat yunit na ito ng LGU ay uupo bilang regular na kagawad, konsehal o board member.

At taglay ang lahat ng kapangyarihan, pribilehiyo at iba pang maaaring ibigay na pasiyang tungkulin ng naturang SK president.



Di na kailangan ang utak abogado kungdi kapirasong pagtupad sa batas para maintindihan, Mr. Servo, Mr, Chua na ito ang sinasabi ng batas: The SK Federation President shall also serve as the Chair person of the Committee on Youth and Sports Development in the said Sanggunian (Council) and as a regular member of the Committees on Education, Environment, Employment and Livelihood, Healtn and Anti-Drug Abuse, and Gender and Development.

Doktora Lacuna, ora mismo, ipadala sa Optometristo sa Opthalmologist si Servo at mga konsehales mo, kasi kungdi marunong bumasa ng batas, e baka sobrang malabo na ang kanilang mga mata — at pati utak yata.

Siguro ay may abogadong konsehal ng Maynila, kung kasali kayo sa nagpatanggal kay Konsehala Yanyan Ibay, maliwanag violator kayo ng batas, kaya, mga bossing sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) aba may miyembro kayo na ang utak ay syet na malagkit.

Ang ginawa ng barkada ni Servo ay maliwanag na paglabag, pagsuway at abuso sa kapangyarihang ibinigay sa kanila ng mamamayan ng Maynila.

Ano raw kasi may sariling regulasyon at implementing rules and regulation (IRR) ang City Council kaya legal ang pagsibak nila kay Ibay — hey, ano, kailan pa nangibabaw ang batas lokal sa batas nasyonal, aba kungdi kayo engot, Sir Presidential Adviser for Poverty Alleviation Sec. Lorenzo ‘Larry’ Gacilo Gadon, ano ang ating isisigaw sa kanila, sila ba ay ano?

Maliwanag ang ginawa ng Konseho ni Servo na may imprimatur ni Mayora Lacuna ay labag sa Constitution at sa SK Reform Act.

Ating sinusuportahan ang laban ni Konsehal Ibay at ng Model SK Network sa mariing pagkondena sa walang pakundangang paglapastangan sa Saligang Batas, sa SK Reform Act at iba pang umiiral na batas ng barkadahang Lacuna at Servo at mga kasapakat na konsehal ng Maynila.

Ito ang sabi ng Model SK Network: The removal of Councilor Ibay from her rightful chairpersonship is not only an affront to her authority but also a dangerous precedent that threatens to undermine youth representation and empowerment across the country, particularly in the absence of sufficient and lawful justification from the local legislators.

Diktador ang labas ng barkadang Lacuna at Servo kapag hindi nila binawi ang utos na pagtanggal kay Konsehal Ibay na ibinoto ng mga kapwa nila kabataang SK ng Maynila.

Maliwanag na kabastusan itong ginawa nila sa mga kabataan na dapat sila na matatandang lokal na mambabatas ang magsilbing modelo ng matino, maayos na pagsunod sa batas ng Republika ng Pilipinas.

Honorable ba ang ginawa ng barkadahang Lacuna at Ibay, hindi po, kungdi ito ay injustice, kalapastangan sa dignidad ng mga kabataan na dapat ay hinuhubog nila upang maging modelong masunurin sa batas at inaasahang sa mga susunod na panahon, sila ang magiging lider ng Maynila at ng bansa.

Kung Honorable si Servo at ang buong City Council, bukod sa public apology ay agad-agad na ibabalik nila si Konsehala Ibay bilang chairperson ng Youth and Sports Developmeng at ibabalik bilang kasapi ng mga komite na isinasaad ng batas.

Pag hindi nila ito ginawa, maliwanag ang mensahe nito sa mamamayang Manilenyo na bumoto sa mga Kabataang SK.

Binabastos nila ang mamamayan ng Maynila, ipinakikita nila na sila ay abusado at wala sa wisyo kung patuloy na lalabagin ang karapatan ni Konsehala Yanyan Ibay.

Dapat na maipatupad ang lakas ng batas at ang mga responsable sa paglabag na ito ay panagutin, at sa susunod na eleksiyon, parusang pagtatakwil sa balota nang di mapamarisan ng kabataan ng Maynila.

Itakwil ang mga Diktator ng Maynila!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisma@yahoo.com.