Advertisers
HINDI namin alam kung may katinuan sa pag-iisip si Sara Duterte. Mukhang hindi, sa aming sapantaha. Noong 2022, kinampihan niya ang barumbadong manlalaro na si John Amores na isinumpa ng buong liga ng NCAA at kahit ang kanyang team na Jose Rizal University dahil sa pagiging palaaway. Tuluyang siyang inalis sa koponan ng JRU.
Kamakailan kinampihan niya ang nagpapanggap na “anak” ng Diyos na si Apollo Quiboloy na kasalukuyang nagtatago sa mga alagad ng batas. Binanatan ni Sara ang mga pangkat ng pulis na naatasan at dakpin si Quiboloy upang papanagutin sa batas. Hindi sang-ayon si Sara na ibigay si Quiboloy sa Estados Unidos kung saan siya nahaharap sa mga iba’-ibang sakdal ng paglabag sa batas ng bansa.
Napansin namin na kinakampihan ni Sara ang mga natalong simulain at mga taong isinumpa ng kasaysayan. Nasa panig siya ng kaguluhan at paglabag sa batas. Sa amin, nangangailangan siya ng tulong upang ituwid ang takbo ng kanyang pang-iisip. Mukhang pumanig siya sa panig ng kadiliman. Kinasangkapan siya ng kasamaan.
***
Ang isa pang tila may problema sa pag-iisip ay si Harry Roque. Noong Biyernes, nagpatawag si Roque ng people power revolt sa EDSA. May mga taong walang puso at kulang sa wastong pag-iisip ang nagbansag na ito umano ang “EDSA Quatro.” Hindi namin alam kung nagpapatawa, nangungutya, o nang-iinis lang ang gumamit ng salitang EDSA Quatro.
Maliban sa kawan ng langaw at lamok, walang dumating sa EDSA Shrine. Sino ang kakampi sa nagpapanggap na anak ng Diyos na inaakusahan ng iba’t ibang asunto dito at Estados Unidos? Sino ang sasagupa sa matinding trapik sa EDSA upang dumalo sa rally ng mga palakang kokak sa EDSA? Sino ang susuporta sa patalong simulain?
Nawala sa katinuan ng pag-iisip si Harry Roque na kasalukuyang sinisiyasat ng QuadComm sa Camara de Representante sa biglang paglaki ng kanyang kayamanan. Hindi maipaliwanag ng ganap ni Roque ang biglang paglobo ng kanyang bank account.
Sa pagharap ni Dr. Winston Casio sa Saturday News Forum sa Dapo Restaurant noong Sabado, nilinaw ng tagapagsalita ng Presidential Anti-Organized Crime Commission na wala pang kaso sa hukuman si Roque. Ngunit hindi ito nangangahulugan na wala na siyang pananagutan sa batas. Sinisiyasat pa siya sa kasalukuyan ng DoJ ang sakdal na maaaring iharap laban kay Roque. Hindi pa tapos ang imbestigasyon.
Sa Camara de Representante, tatlong mambabatas ang nagpakita ng kakaibang galing upang idiniin si Roque. Sila sina Kin. Ace “Alas” Barbers, Kin. Ramon Rodrigo “Rodge” Gutierrez of 1-Rider Partylist at Kin. Jinky Luistro ng ikalawang distrito ng Batangas. Iniisa-isa nila ang kawalan ng paliwanag ni Roque sa paglaki ng kanyang tagong yaman.
“Their manner of questioning and their calm demeanor in interrogating Harry Roque has earned the respect of their colleagues and the public. There is something hypnotizing about the way they speak and ask questions that makes you hang on to every word.” ani Jonathan Sales, isang netizen.
***
PAHAYAG ng National Task Force on the West Philippine Sea sa pagbangga ng China Coast Guard ship 21551 sa BRP Datu Sanday, sampung milya ang layo sa Escoda Shoal sa West Philippine Sea noong Sabado:
Today, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) vessel, BRP Datu Sanday (MMOV 3002), encountered aggressive and dangerous maneuvers from eight Chinese maritime forces while operating from Hasa-Hasa Shoal to Escoda Shoal. The actions of the Chinese vessels were aimed at obstructing the BFAR vessel’s humanitarian mission to resupply Filipino fishermen with diesel, food and medical supplies.
The BRP Datu Sanday was targeted by the People’s Liberation Army Navy(PLAN) 626 and multiple China Coast Guard (CCG) ships, which attempted to encircle and block the humanitarian mission. The CCG vessels made close perilous maneuvers that resulted in ramming, blasted horns, and deployed water cannons against the BFAR vessel, eventually leading to the latter’s engine failure and forcing an early termination of the humanitarian operation.
These unprofessional, aggressive and illegal actions posed serious risks to the safety of the Filipino crew and the fishermen they were meant to serve. Despite these provocative maneuvers, the crew aboard the BFAR vessel maintains high morale and remains safe and unharmed. Claims suggesting that our personnel fell overboard and were subsequently rescued by the Chinese Coast Guard are completely unfounded. This misinformation serves as a clear illustration of the PRC’s willingness to distort the truth and engage in disinformation to bolster its public image.
Hasa-Hasa (Half-Moon) Shoal is located approximately 60 nautical miles from Rizal, Palawan, while Escoda (Sabina) Shoal is about 110 nautical miles away, both well within the Philippines’ exclusive economic zone (EEZ).
The Philippine government calls on the People’s Republic of China to halt these provocative actions that destabilize regional peace and security. The Philippines remains steadfast in asserting its rights in accordance with the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) and the 2016 Arbitral Award.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “Ang mga drug lords na kasabwat ni duterte ay sina Michael Yang, Charlie Tan, Sammy Uy at Pulong.” – SPO3 Arturo Lascañas
“The ???? stands firmly with the Philippines in condemning the People’s Rrepublic of China for launching flares at Philippine aircraft operating legally near Scarborough and Subi Reefs on Aug 19 and 22. With the Philippines, we call on the PRC to cease provocative and dangerous actions that undermine a fee and open Indo-Pacific.” – Mary Kay Carlson, Sugo ng Estados Unidos sa Filipinas
***
Email: bootsfra@gmail.com