Advertisers
Ngayon ang tamang panahon para patunayan sa buong mundo ni KINGDOM OF JESUS CHRIST (KOJC) PASTOR QUIBOLOY na siya ang SON OF GOD sa paraang lumantad siya at ikumpas ang kaniyang mga kamay kasunod ang litanyang “STOP” para magsa-estatuwa ang mga pulis na nakapalibot sa kanilang KINGDOM sa MINDANAO.
Gayunpaman, habang hindi nagpapakita sa publiko si PASTOR QUIBOLOY ay hindi marapat na magsitigil ang mga pulis sa pangunguna ni PHILIPPINE NATIONAL POLICE REGION 11 DIRECTOR, BRIG. GENERAL NICOLAS TORRE dahil mandato ng mga ito na isilbi ang arrest warrant.., ika nga, ang pagpupursige ng mga pulis para sa pag-aresto sa mga inirereklamo ay hinde marapat na pangilagan ang matataas na personalidad at sa halip ay papurihan ang mga operatiba sa kanilang mga dedikasyon.
Siyempre, hinde rin masisisi ang mga miyembro ng KOJC na idepensa ang kanilang lider na ilan sa kanilang mga dating miyembro ay nagsampa ng kasong RAPE at HUMAN TRAFFICKING laban kay PASTOR QUIBOLOY.
Sa isinagawang RAID ng mga pulis sa compound ng KOJC ay may members na nasaktan at namatay dahil sa atake sa puso kaya kinondena ang mga pulis.., pero silbing BACKFIRE sa KOJC dahil may 2 biktima ng HUMAN TRAFFICKING ang naisalba ng mga elemento ng CHILDREN PROTECTION DESK ng DEPARTMENT IF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT (DSWD) REGION 11.
Sa pagpapahayag ni PNP REGIONAL OFFICE (PRO) 11 SPOKESPERSON POLICE MAJOR CATCHERINE DELA REY, ang mga biktima ay isang 21-anyos na lalaki mula sa SAMAR at isang babae na taga MIDSAYAP, COTABATO.., na ang mga ito ay na-rescue matapos humingi ng tulong ang kaanak ng mga biktima sa pulis.
Ayon pa sa tagapagsalita ng PRO 11, matagal nang gustong umalis ng mga biktima sa KOJC compund subalit binabantayan umano ang mga ito na huwag makalabas.
Bunsod nito, ang INTERNATIONAL COMMUNITY, LEGAL COMMUNITY at sa SAMBAYANG PILIPINO ay marami ang nagsasabi na bawing-bawi ang ating mga kapulisan sa matinding pagtuligsa sa kanila ng mga PRO-DUTERTE matapos nilang ma-rescue ang dalawang biktima ng human trafficking.
Mahigit 2,000 miyembro ng PNP ang inataasan para hanapin si PASTOR QUIBOLOY sa loob ng malawak na compound ng KOJC.., na ayon sa hepe ng PNP operating team ay maraming “secret doors” silang nakita sa loob ng mga building at meron pa umanong “tunnel” sa ilalim.
Ang pangyayaring ito ay isang indikasyon na may bahid ng katotohanan ang akusasyon kay QUIBOLOY na isa itong HUMAN TRAFFICKER at si EX-PRES. DUTERTE & FAMILY nito ang kanyang protektor.
Ang pagiging malapit ni QUIBOLOY kay DUTERTE ay maliwanag pa sa sikat ng araw at sa ilalim ng dating DUTERTE ADMINISTRATION ay “UNTOUCHABLE” etong si QUIBOLOY.
Inihayag naman ni DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT SECRETARY BENHUR ABALOS JR na mas mainam umanong sumuko at harapin ni QUIBOLOY ang iniaakusa sa kaniya upang mailahad naman niya ang kaniyang panig at maipagtanggol ang sarili niya sa hukuman.., higit ang maiwasan ang karahasan o kaguluhan.
Mga ka-ARYA.., ang sitwasyon sa KOJC ay RIGHT TIMING ngayon para kay PASTOR QUIBOLOY na patotohanan niya ang pagpapakilalang siya ang SON OF GOD.., na kung paglantad niya at kumumpas ang mga kamay kasunod ang katagang “STOP” at maging estatuwa ang mga pulis ay mahihikayat pa nila na maging miyembro ang lahat sa KOJC kasama ang mga pulis.
Subalit hanggang hindi maipakita ang pruweba ni PASTOR QUIBOLOY ay mas mainam na sumuko na ito sa kapakanan ng kaniyang mga miyembro at ang mga pulis ay dapat lamang kilalanin ang kanilang dedikasyon sa MANDATO na kanilang pinanumpaan!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.