Advertisers

Advertisers

Vloggers, duda sa halaga ng PWD ramp ni Mayor Vico

0 20

Advertisers

OVERPICED ang tingin ng ilang vloggers sa dalawang PWD (persons with disability) ramps na ipinagawa ni Pasig City Mayor Vico Sotto.

Sa kanyang Tiktok post, hindi makapaniwala si Rendon Labador na umabot sa halos P6 milyon ang dalawang rampa na ipinagawa ni Sotto sa Barangay Sta. Lucia.

“Ang PWD ramp na ito ay sobrang mahal, umaabot sa P3 million ang isa,” ani Labador.



“Sana magsalita si Mayor Vico hinggil dito para malinawan ang taumbayan,” dagdag pa ng social media personality.

Sa Facebook page naman ng Sa Totoo Lang Extreme, pinaalalahanan nito si Sotto na baka ma-Ombudsman daw ang mayor dahil sa overpriced ang naturang proyekto.



“Lingid sa kaalaman ng karamihan, may tinatago palang sikreto si Mayor Vico,” anang FB page ng Sa Totoo Lang Extreme.

Wala pang reaksyon si Mayor Sotto sa mga nasabing social media posts.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">