Advertisers

Advertisers

PUNO NA ANG SALOP

0 22

Advertisers

Kumakabog na ngayon ang dibdib ni Marcos Jr. makaraang sumablay ang tila desperadong diskarte ng Philippine National Police (PNP) sa muling paglusob sa Kingdom Of Jesus Christ (KOJC) compound kamakalawa ng gabi.

Ayon sa sources ng inyong lingkod, hindi na mapakali ang halos lahat ng miyembro ng gabinete nito sa mga kaganapang nangyayari sa Davao City na hindi lamang gumising sa sa nag- aalab na damdamin ng mga Pilipino kundi sa mismong konsensiya ng grupo ng mga militar na umano’y piping-saksi pang- aabusong nakakapangyayari sa ngayon.

Ang garapalang korapsiyon ng mga Marcos Jr at ang lantad nang addiction sa cocaine ng mismong Pangulong Ng bansa at ilang sa mga miyembro ng gabinete nito.



Concerned din umano ang militar sa umano’y gumegewang na pamamahala ng mga nakaupong presidente at ang tila unlimited powers na tinatamasa ngayon ng Kongreso kung saan tila nagmumukhang berdugong hukom ang mga mismong mga mambabatas.

Lalong lumakas ang panawagan ng taongbayan para sa pagbibitay ni Marcos Jr. sa poder dahil na rin sa incompetence nito sa napakasagradong tungkulin at ang naglahong moral ascendancy nito para maayos na mapamunuan ang bayan.



Samantala,nilinaw ni Atty. Israelito Torreon, abogado ni Pastor Apollo Quiboloy, na hindi pa ngayon maisasagawa ang naipanawagan nilang malaking rally at pag-martsa ng mga tagasuporta ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Ayon kay Torreon sa panayam ng media, naka-focus ang mga followers ni Quiboloy sa mga kaganapan sa Davao City, kung saan sinalakay sila ng libu-libong tauhan ng PNP Region 11, para magsilbi ng warrant of arrest.



Gayunman, tiyak umanong itutuloy ito sa mga susunod na araw upang ilahad ang kanilang saloobin at panawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipatigil na ang panggigipit sa mga followers ng nagtatagong pastor.

Di natin masisisi ang ating mga kababayaan sa mga nangyayaring ito na kanilang natutunghayang lahat sa social media.

Mulat at gising ang kanilang kaisipan sa mga kaganapang ito lalo na sa pang- aabusong nangyayari na kagagawan ng mga naghaharing namumuno.

Puno na ang SALOP ika nga!

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com