4 lalaking biktima ng trafficking, naharang sa CIA
Advertisers
NAHARANG ng Bureau of Immigrations (BI) officers sa Clark International Airport (CIA) ang apat na trafficking victims na nagtangkang magtrabaho ng ilegal sa beauty at spa industry sa Qatar.
Iniulat ng mga tauhan ng BI’s immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) pinamumunuan ni Bienvenido Castillo III na ang mga biktima ay pawang mga lalaki na nagsabing magkakaibigan sila na magbabakasyon sa Singapore noong August 21.
Napuna ng Immigration officers ang magkakaibang pahayag ng mga biktima kaya sila ay ni- refer para sa secondary inspection.
Sa panayam sa mga biktima, inamin ng mga ito na sila ay ni- recruit ng isa nilang kasama na nangako ng trabaho bilang hairdressers at massage therapists sa Qatar na may monthly salary na P15K hanggang P 25 K.
Ang kasama nilang lalaki ay nagsabi naman na siya ay na-recruit ng Dubai-based recruiter at inanyayahan nya ang tatlong kaibigan na sumama sa kanya.
Nabatid na ang kanilang mga recruiter ay nanghingi ng P10,000 kapalit ng pag-aayos ng kanilang employment at pagpa-process ng kanilang mga dokumento.
Ayon sa mga biktima ay sinabihan silang sabihin na sila ay turista at magbabakasyon sa Singapore upang makaiwas sa detection.
Mahigpit na nagbabala Naman si BI Commissioner Norman Tansingco sa mga indibidwal na tinatakasan ang immigration checks sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang tourists. “Attempting to bypass immigration clearance through deceptive means is illegal and highly risky,” said Tansingco. “Such schemes are not new and are persistently used by traffickers. Our officers are well-trained to detect and prevent these fraudulent activities, including recognizing fake stories and itineraries to persuade immigration officers.” dagdag pa nito.
Ang apat ay dinala sa CIA inter-agency council against trafficking (IACAT) para sa mas malalim na imbestigasyon. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)