Advertisers
INARESTO ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mayor ng Daraga, Albay na si Carlwyn Baldo na itinuturing na utak sa pagpatay kay dating AKO BICOL party-list Representative Rodel Batocabe at body guard nito sa Camalig, Albay nitong Martes ng umaga.
Kinilala ang inaresto na si Carlwyn Baldo y Go, legal age, incumbent municipal mayor ng Daraga, at residente ng Barangay Tagas.
Ayon sa ulat ng pulisya, 12:45 ng madaling araw nang maaresto ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Albay Provincial Field Unit, Camilig Police Station, Daraga Police Station at ng Albay Provincial Police Office sa Nuyda Avenue St. sa Camalig.
Isinagawa ang operasyon ng mga otoridad sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 2 counts murder na ipinalabas ni Honorable Acting Presiding Judge Acerey C. Oacheco, RTC National Judicial Capital Region Branch 3, Manila noong August 21, 2024. Walang ipinagkaloob na piyansa ang korte.
Sinabi ni Francisco na si Baldo ang principal accused sa pamamaril at pagpatay kay Batocabe at kanyang bodyguard na si PSMS Orlando Diaz habang nagsasagawa ng Christmas party kasama ang senior citizen sa Brgy. Burgos, Daraga noong Dec. 22,2018.
Aniya, sinampahan si Baldo at lima pang suspek ng kaso at naisyuhan ito ng warrant of arrest kungsaan nakapaglagak ito ng piyansa para sa kanyang pangsamantala kalayaan, at nitong Aug. 21, 2024 naglabas ng panibagong WOA ang korte laban dito.
Nasa kustodiya ng CIDG Albay si Baldo.(Mark Obleada)