Advertisers

Advertisers

Quiboloy dapat sumuko, magpakalalaki, ‘wag magtago sa saya ng mga Duterte

0 41

Advertisers

KAMAKAILAN lang, nilusob ng mahigit 2,000 pulis at riot squad and 30-ektaryang compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City para arestuhin si Pastor Apollo Quiboloy, na sa ngayon ay itinuturing nang isang “fugitive” o takas na kriminal dahil sa mga kasong ‘human trafficking’ at ‘rape’.

Subalit sa kabila ng intelligence report, nagtuturo na nasa loob lamang ng malawak na lupain ng KOJC, at patuloy na paggalugad ng pulisya, ni anino ni Quiboloy ay hindi parin nakikita ng mga kinauukulan.

Anong misyteryo kaya ang mayroon si Quiboloy at hindi siya matagpuan?



Si Quiboloy, na iprinoklama ang sarili na “Anak ng Diyos”, ay nahaharap sa mga kasong ‘child abuse’, ‘sexual abuse’ at ‘human trafficking’.

Mahigpit din siyang binabantayan ng ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ng Amerika matapos itong ma-“indict” o maakusahan sa U.S. District Court ng Central District of California sa mga kasong ‘sexual abuse’, ‘human trafficking’, ‘marriage fraud’, ‘coercion’, ‘money laundering’, at ‘cash smuggling’.



Dagdag pa sa mga patong-patong na kaso dito sa Pilipinas at sa Amerika, nagpalabas din ang Senado ng Pilipinas ng arrest warrant laban kay Quiboloy dahil sa hindi nito pagdalo sa mga pagdinig ng mga senador.

Ang isinasagawang paghahanap kay Quiboloy sa loob ng KOJC compound ay matinding kinondena ni dating pangulo Rodrigo Duterte at ng anak na si Vice President Sara Duterte-Carpio, at mga kaalyado tulad nina dating presidential spokesman Harry Roque at Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, sa dahilang ang KOJC daw ay isang religious property.



Si Quiboloy ay spiritual adviser at malapit na kaalyado ng pamilya Duterte.

Alam din ng marami na malaki ang naging kontribusyon ni Quiboloy kay Duterte nang kumandidato itong presidente at manalo sa halalan noon 2016.

Bukod sa pera, pinahiram ni Quiboloy ang kanyang pribadong mga helicopter at eroplano sa pangangampanya ni Duterte. Mismo!

Ilang beses na isinilbi ng PNP ang ‘warrant of arrest’ laban kay Quiboloy. At lahat ng tangka ng pulisya na hulihin ang pastor ay hinarang ng mga miyembro ng KOJC, sa kadahilanang may kaugnay ito sa pulitika bunsod ng kaugnayan at magiging malapit ni Quiboloy sa pamilya Duterte.

Maliwanag na ang dahilang “politically motivated” ang paghahanap kay Quiboloy ay isang mahinang depensa at ampaw na dahilan para hindi ipatupad ang batas. May basehang legal ang ginagawa ng PNP – nahaharap ang pastor sa maraming kaso at may kaukulang warrant of arrest na ipinalabas ang korte, bukod pa sa kanyang mga kasong kriminal sa Amerika.

Kung talagang inosente is Pastor Quiboloy, dapat lumantad na siya para harapin ang kanyang mga kaso. Ang patuloy niyang pag-iwas at pagtatago sa batas ay lalo lamang nagpapatibay sa paniwala ng marami na “guilty” o totoo ang mga akusasyon laban sa kanya. Mismo!

Tandaan: Ang mga kaso ni Quiboloy ay nangyari sa termino ni Duterte, pero lumabas lamang ang mga arrest warrant sa administrasyon ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr.

Kaya hindi dapat isinisisi ng mga miyembro ng KOJC kay Marcos ang mga pagkaso rito.

Ang pinakamagandang gawin ni Quiboloy ay lumabas sa lungga, harapin ang mga nag-aakusa sa kanya sa korte kung tunay ngang inosente siya. Period!