Advertisers
PATONG-PATONG na kaso ang isinampa ng isang waiter laban sa dating TV personality at host na si Jude Bacalso dahil sa insidenteng pinatayo niya ng mahigit dalawang oras ang waiter na tinawag siyang “sir” sa isang restoran.
Kabilang sa kinakaharap na kaso ni Bacalso ang Unjust Vexation, Grave Scandal, Grave Coercion, Grave Threats, at Slight Illegal Detention.
Ayon kay Atty. Ron Ivan Gingoyon na kumakatawan sa waiter, hanggang ngayon ay traumatized parin ang kanyang kliyente dahil sa ginawa ni Bacalso.
“As of now, the victim is still traumatized but is trying to co-exist with society. We’re also helping him but the effect (of the incident) to his mental health was significant,” ayon kay Atty. Gingoyon.
Isinampa ang kaso sa Cebu City Prosecutor’s Office noong Miyerkules, August 28.
Bukod dito, sinampahan narin ng kaso ang restaurant kungsaan naganap ang nag-viral na insidente.