Advertisers
WINALIS ng University of Santo Tomas ang Emilio Aguinaldo College,25-18, 25-17, 25-19, upang dugtungan ang kanilang winning run sa apat sa V-League Men’s Collegiate Challenge sa Paco Arena sa Manila Linggo.
Umiskor si Edlyn Colinares ng 11 points,kabilang ang six blocks, para idikit ang Golden Spikers sa semifinal spot.
Ang UST na 4-2 ay sumanib sa leaders Far Eastern University at De La Salle University, na parehong 4-1 cards.
“I still haven’t seen the things I like to see, so there are more work to do,” Wika ni UST head coach Odjie Mamon pagkatapos ng isang oras at 16-minutong aksyon.
Rookie John Julian Macam at Jay Rack De La Noche nag-ambag ng tig- 10 puntos habang si Rey Miguel De Vega nagdagdag ng nine points, kabilang ang seven attacks, eight excellent receptions at four digs.
Tatapusin ng UST ang elimination sa Setyembre 11, laban sa Ateneo de Manila University alas 12 ng tanghali.
“We will play according to our needs. So our priority is to build our team moving forward,” Sambit ni Mamon.
Jan Ruther Abor umiskor ng 11 points habang si Frelwin Taculog bumakas ng seven points para sa Generals, na nalasap ang kanilang ikalimang kabiguan na may isang panalo.
Ang susunod na laban ng EAC ay kontra Far Eastern University sa Setyembre 8, alas 3 ng hapon.