Advertisers
Ni Jimi Escala
HINDI pinagkaila ni Sabrina M. na meron din talagang nagsamantala sa mga maimpluwensiyang taga showbiz na nag- aartista.
Ayon kay Sabrina nang makausap namin sa red carpet premiere ng pelikulang Mamay: A Journey to Greatness, naranasan din daw niya pero sa umpisa pa lang daw ay pinutol niya agad at hindi na niya hinayaang mauwi pa sa anumang kagustuhan ng mapagsamantala.
“Kumbaga, nilagyan ko agad ng wall. Hindi pwede ang gusto nila. Ganun dapat sa first attempt pa lang suplahin mo agad,” sey pa ni Sabrina.
Samantala. nakapag move na rin daw si Sabrina sa isyung Rico Yan.
“Isang simpleng kuwentuhan lang naman yun, kaya humingi ako ng pasensiya sa mga nagmamahal kay Rico Yan,” banggit pa rin ni Sabrina.
***
SPEAKING of Mayor Marcos Mamay story, political ang pelikula na ipinakikita ang humble beginnings hanggang marating ni Mayor Mamay ang pagiging ginagalang na leader sa lugar nila.
Pinatunayan ding hindi hadlang ang pagiging mahirap sa mga nagnanais na maabot ang anumang pangarap.
Isang aral din ang pelikula sa mga nagnanais na pasukin ang mundo ng pulitika .
Sa daming nag ambisyon na maging pulitiko na sinasabing nasa kanila na ang mga katangian para maging public servant, well panoorin nyo muna ang Mamay: A Journey to Greatness.
“This is a very inspiring movie. I want people, especially those who belong to the marginalized sector, to know that there is always hope and opportunities to reach your dreams if you focus all your energies on it,” “Kailangan din na magsumikap ka para maabot ang anumang pangarap mo. This movie tells that poverty is not a hindrance to succeed in life,” banggit pa ni Mayor Mamay.
Well, the movie stars Jeric Raval and Ara Mina. Si Ara na gumanap na asawa nj Mayor Mamay.
“I accepted this movie dahil inspirational talaga ang buhay ni Mayor Mamay. Nakita ko din nang personal ang napakagandang lugar ng Nunungan nang dahil din sa efforts ni Mayor,” sey pa ni Ara.
“ I am honored na ako ang napili ni Mayor Mamay na gumanap bilang siya sa pelikulang ito. Humanga ako sa mga pinagdaanan ni Mayor. Truly inspiring,” sey naman ni Jeric Raval.