Advertisers

Advertisers

Toni-Direk Paul & Alex-Mikee Umattend Ng Venice Intl Film Festival; Jules Graeser Alaga Ang Mukha At Kutis Ng Radiant Beauty Medical Spa

0 77

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

NAIMBITAHAN ang Filipino drama film na “Phantosmia” sa 81st Venice International Film Festival. Bida rito si Janine Gutierrez kasama si Ronnie Lazaro at si Lav Diaz ang direktor. At dahil isa sa producer ng movie ay ang Ten17P ni Direk Paul Soriano ay invited sila ng wife na si Toni Gonzaga sa ongoing ng festival.

Phantosmia is scheduled to screen this September 2, 2024. Nasa Venice na rin si Janine at rarampa ito sa red carpet. Grabe ang excitement ng pretty actress at gratitude sa once-in a lifetime opportunity na ibinigay sa kanya na maimbitahan sa prestigious international film festival. Ipalalabas din soon sa cinemas ang Phantosmia. And this is distributed by Black Cap Pictures. By the way, join sa Venice trip nina Toni and Direk Paul sina Alex Gonzaga at Lipa Councilor Mikee Morada. Habang nasa Venice, Italy ay isasabay na rin ng apat ang bakasyon at shopping nila sa bansang ito. Mag-iikot din sila sa ilang tourist spot ng Italya. Bago pala lumipad sa Venice sina Toni at Paul ay nakipag-bonding sila sa kanilang parents na sina Mommy Pinty at daddy Carlito “Bonoy” Gonzaga sa kanilang Taytay Mansion. Dito sila natulog ng isang linggo at sabay-sabay silang kumakain pamilya kasama ang mga anak na sina Seve at Baby daughter na si Polly. Syempre, join din sa masayang bonding sina Alex at Mikee. Ganyan naman ang mag-sister na Alex at Toni kahit pareho nang married. Basta may oras sila ay binibisita nila ang kanilang mommy Pinty at daddy Bonoy. Kaya parang hindi rin sila nawala sa poder ng kanilang mga mababait at super supportive na mga magulang.



***

SI Jules Graeser ang tipo ng TV personality at rcording artist na kahit gaano pa ka-busy at in-demand sa maraming events na hino-host at promote ng dalawang single na “MAARI BANG IBIGIN KA” at “KATUPARAN” na kanyang latest single, ay may oras si Jules para sa kanyang regular facial sa trusted niyang Doctor of Beauty ng Los Angeles, California na si Dr. Muyie of Radiant Beauty Medical Spa. Isa si Jules sa inaalagaan ni Dr. Muyie ang face at skin. At satiesfied naman si Jules sa mga treatment sa kanya ng nasabing beauty clinic na maraming regular clients.



Well, dapat gayahin si Jules ng mga co-artist niya na bigyan ng time ang sarili. Importante sa tulad nilang mga performer na maging presentable lagi at maayos ang looks. Kumbaga, hindi lang talent dapat ay whole package ka para marami ang kumuha. Just like Jules na pinag-aagawan talaga mag-host sa iba’t ibang okasyon. “Thank you Dr. Muyie for taking care of my face!” Pasalamat pa nito sa nag-aalaga sa kanyang face na may hashtag na #selflove.

KAYA nagkainteres kaming i-write up si Dave Rojo, nasa GENSAN pa lang kami during 80’s ay nadidinig na namin ang pangalan niya na binabati sa mga showbiz talk show sa TV at radyo. Maging sa mga uso pa noong movie fan magazines ay nakikita rin namin ang pangalan ni Dave.



If I’m not mistaken ay nag-work siya sa sikat noong recording company. At maayos ang buhay ni Dave, na madalas ka-bonding ang aming mga veteran colleagues at love niya ang mga ito. Mahilig sa music si Dave. Nanghinayang nga ito sa imbitasyon ng kanyang brother na ililibre siya sa concert ng mga Hollywood singers sa kilalang casino.

Kasi tapos na raw ang concert doon ng favorite niyang si Diana Ross na katatapos lang mag-show last August 25. Ang bongga at sosyalin ng magkapatid na ito. Fly ng US para manood lang ng concert.