Advertisers

Advertisers

7 Kidnaper ng 3 babaeng dayuhan, timbog

0 71

Advertisers

Inaresto ang tatlong Chinese nationals at apat na Pinoy nang looban, pagnakawan at dukutin ang tatlong bababeng dayuhang negosyante sa isang subdivision sa Parañaque City.

Nahaharap ngayon sa kasong Robbery with Abduction ang mga suspect na nakilalang sina Liu Yujie, 39; Weichun Xu, 35, parehong nakatira sa Block 2, Lot 24 B, Tel Aviv St., Multinational Village, Parañaque City; Donbo Lyu, 34, ng Unit 407 SMDC Breeze Residence, Roxas Blvd., Service Road, Pasay City, pawang mga Chinese nationals; Jon Jon Osquiza, 45, nakatira sa #43 Thomas Street, Multinational Village, Parañaque City; Jerico Mamaril, ng #24 Tel Aviv Street ng nabanggit na subdivision; Brian Barado, 33, nakatira sa15319 St. Francis Street panulukan ng St. Michael, Brgy. Moonwalk ng nabanggit na lungsod at Ruel Arenas, 42, taga Bagong Silang, Caloocan City.

Kinilala naman ang mga babaeng biktima na sina alias Kelly; alias Tong-tong, kapwa Chinese nationals at alias Xu, isang Vietnamese national, mga negosyante at residente ng 31 Timothy St., Multinational Village, Parañaque City.



Lumalabas sa report ng Paranaque City Police, naganap ang insidente 3:45 ng madaling araw sa tinitirhan ng mga biktima sa 31 Timothy St., Multinational Village, Barangay Moonwalk, Parañaque City.

Nabatid na puwersahang pumasok ang mga suspect sa loob ng bahay ng mga biktima, kung saan sinira muna ng mga ito ng nakakabit na CCTV camera dito.



Tinangay muna ng mga suspect ang cellphone ng mga katulong ng mga biktima.

Pagkatapos dito na nila dinukot ang tatlong babae at isinakay sa isang kulay puting Toyota Alphard.



Kaagad namang nalaman ng mga pulis ang insidente at nagkasa nila ng follow-up operation laban sa mga suspect.

Na nagresulta nang pagkakaaresto ng mga ito at na-rescue naman ang tatlong biktima.

Sa ngayon nasa custody ng pulisya ang mga suspect na nadakip.(GAYNOR BONILLA)