Advertisers
Kulong ang dalawang tulak ng illegal na droga nang makuhanan ng P81K halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation sa Malabon City.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina alyas Balong, 31, pintor; at alyas Longhair, 33, helper, kapwa residente ng lungsod.
Ayon kay Col. Baybayan ala-1:45 ng madaling araw nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang mga suspek sa Palmario 2, Brgy. Tonsuya.
Nakumpiska sa kanila ang humigi’t kumulang 12.04 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P81, 872.00 at buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)