Advertisers

Advertisers

Daddy ibinebenta anak sa online, kinasuhan na

0 5

Advertisers

Sinampahan  ng National Bureau of Investigation (NBI) ng kasong human trafficking ang isang ama nang itong arestuhin sa aktong pagbebenta ng kanyang 11-buwang sanggol sa halagang P55,000.

Kinasuhan sa Quezon City Prosecutor’s Office si Kenneth Crisologo na naaresto noong Setyembre 3 sa isinagawang entrapment operation ng mga ahente ng Special Task Force (NBI-STF) ng NBI.

Sinabi ng NBI na nag-ugat ang kaso mula sa impormasyong natanggap ng NBI-STF na si Crisologo ay sangkot sa pagbebenta ng sariling anak sa online.



Dahil dito, ipinag-utos ni NBI Director Jaime B. Santiago sa operatiba ng NBI-STF na magsagawa ng  entrapment operation sa Barangay Pag-asa,Quezon City  na nagresulta sa pagkakadakip kay Crisologo.

Dinala ang bata sa Social Services Development Department ng Quezon City.(Jocelyn Domenden)



style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">