Advertisers

Advertisers

Bakbakan sa Lanao del Sur: 2 todas, 4 grabe

0 11

Advertisers

Nasawi ang dalawang katao at apat pa ang sugatan sa nangyaring bakbakan sa pagitan ng dalawang magkalabang grupo sa bayan ng Lanao del Sur nitong Martes, Setyembre 24.

Ayon kay Lanao del Sur Provincial Police Office spokesperson PMaj. Salahuddin Basher, kontrolado na ang sitwasyon at naka-deploy na rin ang tropa ng gobyerno sa lugar para mapahupa ang tensyon.

Malabang, Lanao del Sur.

Sinasabing rido o away sa pagitan ng dalawang grupo ang pinag-ugatan ng insidente.

Nauna nang lumabas ang report na nagsimula ang bakbakan sa pagitan, nitong Lunes ng gabi, September 23 at nagpapatuloy pa hanggang nitong umaga ng Martes.

May ilang residente na rin umanong nagsilikas mula sa barangay Bacayawan at Lati, sa takot na baka maipit sa nangyayaring kaguluhan.