Advertisers

Advertisers

INA NG BINARIL NI AMORES AYAW PAAREGLO, BASKETBOLISTA NAGPIYANSA

0 61

Advertisers

Nagbigay ng pahayag ang Philippine Basketball Association (PBA) kaugnay sa kinasangkutang insidente ng pamamaril ng basketbolistang si John Amores sa Lumban, Laguna.

At si Shirley Cacalda, ina ng 32-anyos na lalaking biktima na si Lee Cacalda, 32, isang seaman, labis ang naging galit at hindi raw magpapaareglo.

Ayon kay Cacalda, itutuloy niya ang kaso laban sa basketbolista at sa kapatid nito.

“Itutuloy ko ‘yan. Bibigyan ko ng kadalaan ‘yan dahil hambog ‘yan. Mayabang talaga. Sa akin, madadala ‘yan.”

“Kung ‘yung iba naaareglo niya, ako hindi. Pagagalisin ko buong katawan niya doon sa kulungan para madala ‘yang hayop na iyan sa kahambugan niya,” patuloy pa ni Cacalda.

Nahaharap si Amores sa kasong attempted murder sa pagbaril kay Lee nang magkainitan sa pagba-basketball. At nakaligtas naman ang biktima sa naabing insidente.

Nitong Huwebes ng madaling-araw, sumuko ang basketbolista.

Matatandaang naging kontrobersiyal si Amores matapos niyang sugurin ang bench ng College of St. Benilde at suntukin ang ilang player nito sa NCAA Season 98 noong Nov. 8, 2022.

Samantala sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial sa isang pahayag, “This is a matter subject of investigation by the police, and we cannot comment in it. But we are saddened by such unfortunate incident.”