Advertisers
NAGLABAS ng pahayag ang Malakanyang kaugnay ng kumakalat na video kung saan makikita ang isang indibidwal na may iniabot na bagay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang pampublikong pagtitipon.
Sa video na ipinost sa Facebook pages ng Maging Mapanuri at Presidential Communications Office (PCO), nilinaw na ang iniabot na bagay kay PBBM ay isang lapel pin na may simbolo ng kanilang political party.
Ayon sa PCO, ang nag-abot nito ay isang sibilyan na naghihintay na makapagpa-selfie sa Chief Executive.
Ipinunto ng ahensya na ginagamit ng ilang indibidwal ang mga ganitong uri ng ‘content’ upang magpalaganap ng maling naratibo.
Binanggit ng PCO ang tila sinadyang pagputol at pag-blur sa video at pagbibigay ng maling konteksto na naging.
Ito, ayon sa PCO, ang dahilan upang maglitawan ang samu’t saring haka-haka mula sa mga netizens, kabilang na rito ang nagsabi na ang iniabot na bagay ay isang sachet na may lamang puting ‘substance’.
Bunga nito, hinimok ng Palasyo ang publiko na mag-isip, magsaliksik, alamin ang buong kwento, obserbahan ang mga detalye, at huwag magpaloko o maging biktima ng mga kumakalat na fake news. (Gilbert Perdez)