Advertisers

Advertisers

PBBM aminadong kapos ang effort sa pagtataguyod ng demokrasya

0 32

Advertisers

KINAKAPOS pa rin ang mga ginagawa ng gobyerno sa pagtataguyod ng demokrasya.

Ito ang matapang na inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ika-animnapu’t tatlong anibersaryo ng Philippine Constitution Association (Philconsa).

Iginiit ng Pangulo na marami pang panukalang batas na magbibigay-sigla sa Konstitusyon na hindi pa rin naipapasa.
Aniya, hindi pa rin sumasapat ang mga hakbang para sa empowerment sa mamamayan, taliwas sa inaasahan ng mga bumuo ng Saligang Batas.



Kaya naman, sinabi ni PBBM na napapanahon nang gumawa ng malaking aksyon, at sa ilalim ng Bagong Pilipinas, ay tinatawagan ang tatlong sangay ng pamahalaan na tumindig sa mga kinakaharap na hamon.

Samantala, nanumpa naman si First Lady Liza Araneta-Marcos bilang pinakabagong miyembro ng Philconsa sa harap ng chairman ng grupo at dating Chief Justice Reynato Puno.



Maliban sa Unang Ginang, nag-oath taking din sina former Chief Justice Teresita de Castro, at Philconsa Secretary General Michelle Lazaro. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">