Advertisers

Advertisers

NSC sisilipin pagiging ‘Chinese spy’ ni Alice Guo

0 10

Advertisers

Aalamin ng National Security Council (NSC) kung may katotohanan ang pahayag ng isang nakakulong na Chinese spy na si Alice Guo o Guo Hua Ping ay spy ng Ministry of Safe Security ng People’s Republic of China.

Sinabi ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya sa bagong Pilipinas public briefing na iniutos ni National Security Adviser Eduardo Año na suriin at i-validate ang mga naging pahayag ng nakakulong na Chinese spy She Zhijang dahil sa posibleng implikasyon sa seguridad ng bansa sakaling may basehan ang pahayag nito kay Guo.

Kukunsulta aniya ang NSC sa kanilang partner intelligence agencies sa ibang bansa para malaman ang tunay na personalidad ni Guo kung totoong agent ito ng Ministry of Safe Security ng China.



” According to our National Security Adviser Eduardo Año, kailangan po namin itong suriin, I-validate itong mga impormasyong inilabas ni She Zhijang. So ang gagawin ng NSC is aral in itong isyung ito,” ani Malaya.

Hindi aniya basta basta maniniwala ang ahensiya sa inilabas na documentary ni Zhijang kaya kailangang I-validate ito dahil kung sakaling may basehan na spy o agent si Guo ng China ay may malaking implikasyon ito sa bansa.

Inihalintulad ni Malaya sa isang Nobel ang spy ang pahayag ni Zhijang kay Guo na kailangang mavalidate para matukoy ang tunay na personalidad ng dating alkalde.

“This is really straight from the pages of a movie plot in a spy novel. So teleserye talaga itong balitang ito,” dagdag ni Malaya.