Advertisers

Advertisers

VM Site Siron nai-stress pero nasa puso ang paglilingkod

0 11

Advertisers

Nina Favatinni San/Blessie Cirera

MALUGOD na nagpaunlak ng panayam nitong nakaraang Biyernes sa katatapos na Philippines Choice Awards ang butihing vice mayor ng Mexico, Pampanga na si Susana ‘Site’ Siron.

Pinarangalan siya ng Philippines Choice Awards bilang National Outstanding Vice Mayor Award at ng National Humanitarian Service Award na ginanap sa Centennial Hall, Manila Hotel.



Mismong ang mga kababayan niya ang magpapatunay kung anong serbisyo ang ibinibigay ni Vice Mayor Site sa kanyang constituents.

“Ang paglilingkod ay isa ko nang passion, ako mismo ang umiikot sa 43 barangay sa aming bayan, ako ang bumababa sa kanilang pangangailangan.

“Marahil, isang ministry ng aking buhay ang paglilingkod, mga kapwa ko Mexicano ang magsasabi kung paano ko sila sineserbisyuhan.

“Hindi po ako nagpa-promise, pero sila ang magte-testify kung ano nagagawa natin e sila ring mararamdaman ‘yan.

“Sa totoo lang, as a public servant ay nakakai-stress pero nasa puso ko ang malinis na hangaring tumulong at magagawa ko ito. Isa pa, gusto ko mabago ang landscape ng ating political system.

“Nag-start ang political career ko nang tumakbo akong barangay chairman sa Brgy. Camuning, Mexico. After my second term (unopposed) nanalo akong konsehal,” tsika pa ni VM.



“Kami ay maagang naulila pero nakapag-aral ang mga kapatid ko. Nakatapos po ako ng Civil Engineering.”

Nag-assume bilang bise alkalde si Site nang bumaba sa pwesto ang mayor ng Mexico, Pampanga noong Nov. 2023.

Kaya pala sanay si Bise sa hamon ng buhay.

Kitang kita ito sa magandang awra ng kanyang mukha at matamis niyang ngiti.

Nang pasukin daw niya ang pulitika ay tumakbo siyang councilor at siya ang Top one nuong 2202 election.

Muli, tatakbong vice mayor si M’am Susana para tuluy tuloy ang paglilingkod niya.

“Kung ano man ang ipagkakaloob ng Panginoon ay buong puso kong pasasalamatan.”

Kaya deserved as in may karapatan sa rekognisyong ipinagkaloob sa kanya ng Philippines Choice Award si VM Site.